Gretchen Barretto, with hunk model in new music video

NAPAKA-SENSUAL NI Gretchen Barretto sa kanyang MTV (Complicated) with hunk model Sassan Dunno na para bang imported ang pagkakagawa. Nasilip namin ang behind the scene ng nasabing music video ng singer/actress through a friend. Very intimate ang eksena ng dalawa, makikita mo sa kanilang mga mata ang pagnanasa sa isa’t isa, Para silang lovers, nagyayakapan habang nagbibiruan, akala mo tuloy totoo! Kahit sabihin pa natin may asawa’t anak si Gretchen, pinapantasya pa rin siya ng mga kalalakihan dahil sa angkin niyang ganda.

Sa pamamagitan ng kanyang mga awitin, nailalabas ni Greta ang tunay na nararamdaman. “Ang buhay ko’y sinusubaybayan ninyo through my songs.

Hanggang nabubuhay ako, mayroon pa rin akong kakantahin. This is what’s keeping me alive, my music! Because that expresses my feelings, through songs.”
Hindi maiiwasang hindi mapag-usapan si Nadia Montenegro na dating best friend ni Gretchen, friends na ba sila? “You know, napakaikli ng buhay, it’s always good to just forgive because there are things na hindi natin malilimutan. But to forgive para sa akin ay important. May pinagsamahan kami ni Nadia at para ko na siyang kapatid. No matter what happened, I will always care for her. Kung anuman ‘yung masamang nangyari sa buhay niya, hindi ninyo maipagkakait na talagang naapektuhan ako. Talagang nag-alala ako nang malaman ko ‘yung health niya. Tapos na ‘yung yugto sa buhay namin, it’s almost a year nang mangyari ‘yung nag-away-away kami. Tapos na para sa akin ‘yun, forgive and forget. “’Yung song na “I’ll Be There For You” puwede kong i-dedicate kay Nadia.”

As of now, singing ang priority ni Greta, paano na ang kanyang acting career? “Hindi ko puwedeng pagsabayin ang singing and acting, because sa acting, madalas kang puyat sa taping and shooting. Since, marami akong gagawing mall shows, a lot of singing, kailangang matulog nang maaga. So, hindi talaga puwede ‘yung acting sa ngayon, hindi ako puwedeng magpuyat. Ang galing, I’m such a singer na kailangan kong ma-rest ang money-maker voice ko. At least, kumikita ‘yung voice ko kahit paos ako ngayon.”

Marami pa rin ang nagtataas ng kilay kay Greta, hindi matanggap na singer na siya ngayon. “Hello! I have gold record award, dalawang CD na lang platinum na, hahaha! I love you. Alam mo, kapag walang kontrabida, walang bida kaya gusto ko may kontrabida na ako ang bida.”

Exclusive pa ba naman ang pinirmahang kontrata ni Gretchen sa Star Records? “No, just for this album lang, I don’t think I would want any recording contract to anyone else but of course, Star Records.”

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.