Gretchen Barretto, waley ang pagka-Inglesera!


Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

BLIND ITEM: MAY umalis, may dumating. Sounds like a 70’s classic film na angkop sa situwasyon ngayon ng isang pamosong manager, na nalagasan pero nadagdagan naman ng alaga.

Exit frame ang hawak niyang aktres, sabay sulpot naman ng isang aktor who-in fairness—has a talent to boot. Bale barely a week ago lang when the manager took in the actor under her wings. Siya rin ang aktor, na bagama’t nagbibiro sa kanyang Facebook account ay naghahanap ng “booking,” mapa-matrona o bading rich enough to get him out of his financial quagmire.

Nang ipakilala nga ng manager ang aktor na ito as the latest addition to the bloated number of her talents, nag-“duet” ang dalawang showbiz reporter sa pagsasabing “Good luck!”

But of course, the phrase that used to be one of optimism has, these days, assumed a negative connotation. “Manalo” kaya ang aktor na ito in his bid to resuscitate his “All Saint’s Day” career? Ayyy… Undas na nga pala ngayon!

AS ITS REPEATED plug suggests na “Ang Huling Rampa”, obviously, matatapos na this week ang Magkaribal sa ABS-CBN lalo’t nitong Biyernes ay nagkabukingan na who inspired the finale dress common to Victoria (Gretchen Barretto) and Gelai (Bea Alonzo).

Sa kakatutok ko nga sa teleseryeng ito (which to me is a toast to kabaklaan without necessarily employing gay characters), I cannot help but take note of grammatical lapses lalo na sa mga linya ni Gretchen. Bakit nakukuhang palampasin ng direktor nito ang mga dayalog ni Gretchen in at least two episodes na napanood ko?

Here’s one. Linya ni Greta: “You wouldn’t me to do this, do you?” Hello!!! “Would you” dapat ang tag question, ‘no! At nito lang Biyernes, bumanat si Victoria bilang pagtataray sa mga design ng kanyang staff: “I won’t settle for ‘mediocrisy’!” Another hello!!! Webster must be turning in his grave, ano ‘yon, pinaghalong “mediocrity” at “hypocrisy”?!

And the last hello!!! Greta, being articulate and schooled herself, did she not bother to call the writers’ attention? Hindi lang ba niya naman itinama ang dayalog knowing that her lines could cause her English teachers at the Colegio de San Agustin to curse her?

Anyway, as the MOS (man-on-the-street) VTR shows, nalulungkot sila sa malapit nang pagtatapos ng Magkaribal. Honestly, so do I. Pero siyempre, some good teleseryes never last… aren’t we? Aren’t we daw, o!

SPREAD THE GOOD word. Hindi po ito sermon at a Sunday mass, kundi ang magandang balita na lalo pang bumobongga ang weeknight ratings ng Willing Willie.

In fact, one-point difference lang ang pagitan nito sa TV Patrol ng ABS-CBN nitong Muyerkules sa Mega Manila Individual Ratings. Batay sa figures na nakalap ng AGB, a renowned ratings group, Willie Revillame’s program got 8.3% vis a vis TV Patrol’s 9.4%. Willie’s WW defies regular programming dominated by news program aired on GMA and ABS-CBN.

Unsolicited advice lang: enough of perya-like games on WW. Mag-isip naman sana ng bago ang creative team, that’s what it’s there for.

loading...

13 thoughts on “Gretchen Barretto, waley ang pagka-Inglesera!

  1. Nagmaganda ang writer na ‘to oh….tsk tsk tsk…pakicheck rin nga po ang sentence construction n’yo. Take a look at this “did she not bother to call the writers’ attention?”..very filipino ang construction ng sentence mo teh…Parang mas magandang pakinggan at basahin Didn’t she bother to call the writer’s attention?

    Eto pa sir “You wouldn’t me to do this, do you?” ano daw? kahiya naman toh

  2. para namang tama sya oh…hahahaha…“You wouldn’t me to do this, do you?”…cge nga, anung sense ng dialogue na toh?hahahahha

  3. hahaha, i can’t blame the writer. a lot of filipinos knows how to speak english pero bagsak naman sa grammar. aside from gretchen, si claudine ganun din, isa pa si ruffa gutierrez, martin nievera, at ang bagong inglesera na si judy ann santos. pakinggan nyo kahit yung mga laki dito o mga half/half na english english kuno. sabagay kapwa pilipino lang ang mahlig talaga pumuna sa mga malimaling english. so sa mauna lang na mapuna at yung mga di maingat e di napupuna hehehe…

  4. Napakabobo mo naman. Nagmamarunong ka ikaw naman palang walang alam sa topic mo. Bago ka magsulat ng isang article make sure na nagresearch ka. Sinali mo pa si Webster. Basahin mo ulit ang article mo. Mas magaling pa ang grade 2 sa’yo. Di ko alam kung writer ka or nagsasawriter ka lang. Ang hirap talagang kumita ng pera. hayyyyyy

  5. si jay manalo BI. Babagsak din yang si Heart. Ingrata! Kahit hate ko si anabel pero may punto si bisaya na xa ang bumangon sa karir ni heart babalina na nabaon na sa lupa. super laos na laos kaya yan sa ebs. kung hindi yan pinulot ni bisaya wala na yan. patay na patay ang karir

  6. ngayon lang ako magcocomment kasi ang tanga mo. tama ang pagpronounce ni greta. ikaw mali magspell. MEDIOCRACY yon. idiot!

  7. Si JAY MANALO itong BI kasi bagong talent sya ni Annabel Rama. At saka given na given na ang clue:

    “Manalo” kaya ang aktor na ito in his bid to resuscitate his “All Saint’s Day” career? Ayyy… Undas na nga pala ngayon!

  8. oo magaling ka cguro sa grammar at cguro fluent ka sa english!!! pero kahit gano ka parin kagaling sa english kung anyan mukha mo ronnie carrasco.. d bagay sayo.. mukha ka paring galing sa basura at squatter area na pinangalingan mo!!! dude may binabagayan dinang pag english!!! sayo hinde!!!! c greta mali mali man,, bagay sa kanya!!!

Leave a Reply

Your email address will not be published.