Gretchen Barretto, umiyak sa rampa

‘DI NAIWASANG MALUHA ng isa sa may pinakamagandang mukha sa showbiz na si Gretchen Barretto sa katatapos na launching ng kanyang pabango, ang Greta by Bench, na ginanap sa Trinoma Mall, kung saan kitang-kita ng mga invited press ang paulit-ulit na pagpunas ng luha nito sa kanyang mga mata habang rumarampa.

Tsika ni Gretchen, masyadong nadala raw siya ng kanyang emosyon sa dami ng magagandang bagay na nangyayari sa kanyang career ngayong 2010. Dahil na rin sa dami ng kanyang endorsements, at ang pagwawagi nito ng Best Single Perfromance by an Actress sa PMPC`s Star Awards For Television sa episode nito sa Maala-ala Mo Kaya.

“Naiyak ako… I’m really touched, because sa lahat ng nangyayari sa buhay ko, sa career ko, the peace that I have… It’s a really nice Christmas. It has been a very good year. This is the best year I’ve ever had in my whole life.

“So, really, really, thankful. Nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng biyayang ibinigay Niya sa akin. Ni sa panaginip ko, hindi ko inakala na ito ang mangyayari sa career ko.

“At siyempre, hindi ito mangyayari kung hindi sa tulong ng ABS-CBN at lahat ng creative team at lahat ng bumuo ng Magkaribal at MMK.

“Nagpapasalamat ako sa Star Awards, PMPC, sa dalawang Best Actress awards na ibinigay nila sa akin. ‘Yung Anak TV Awards, maraming salamat!” Pagtatapos ni Gretchen.

BLIND ITEM: SINO itong ‘di naman kasikatang komedyano ang harap-harapang inirapan ang mabait at ‘di hamak na mas maga-ling sa kanyang batang komedyana nang mag-krus ang landas ng mga ito sa TV network na kanilang pinagtatrabahuhan.

Dire-diretsong dinaanan at mistulang walang nakita ang hitad na komedyano nang tawagin at batiin ng mabait na komedyana. Pero na-shock ang halos lahat ng taong nandoon dahil pasimangot itong humarap. Ang young comedienne pa ang lumapit dito para batiin, pero kitang-kita sa mukha ng insikyur na komedyano na hindi siya natutuwa sa ginawang pagbati sa kanya ng batang komedyana.

OA na yata sa pinaka-OA ang ‘di naman kagalingang komedyano. Feeling yata nito, sikat na sikat na siya to the max at kaya na niyang away-awayin ang mga sa tingin nito ay mas magaling sa kanya. Minsan na raw nagkaroon ng ‘di magandang experience ang mabait pa namang batang komedyana sa nasabing komedyano nang magkasama ang mga ito sa pelikula, kung saan feeling ni komedyano ay sinasapawan siya ni young comedienne na hindi naman. Dahil likas ang pagiging natural comedienne ng nabanggit na komedyana, kaya naman ang ending, everytime daw na nakikita nito ang batang komedyana, umaasim na kaagad ang mukha nito. Insecure talaga, kalokah!!!

FEEL DIN DAW ng Tweenstar at isa sa bagets na si Bea Binene na may espesyal na partisipasyon sa inaabangan ngayong Kapaskuhan ang Si Agimat at Si Enteng Kabisote, na pinagbibidahan nina Senator Bong Revilla Jr. at Bossing Vic Sotto, ang gampanan ang role na Darna.

Gusto raw kasi ni Bea na magamit ang kanyang galing sa karate, dahil alam naman daw nito na maraming fight scene si Darna. Pero alam daw nito na masyadong bata pa siya sa role ni Darna, pero umaasa itong mabibigyan siya ng pagkakataong gumanap ng Darna sa tamang panahon.

Kung sabagay, taglay naman ni Bea ang mga qualifications para maging makabagong Darna ng panahon. Bukod sa maganda nitong kutis, katawan at mukha, magaling pa itong umarte at magaling sa karate.

HEAD OVER HEELS daw ang young actor at Campus model ng Olive C na si Hiro Magalona sa young    actress na si Krsytal Reyes. Trip daw ni Hiro ang innocent look ni Krystal, gandang-ganda daw ito sa young star sa tuwing mapapanood nito sa telebisyon (Bantatay). Kaya naman daw pinasok na rin nito ang magulong mundo ng showbiz para mapalapit sa kanyang nililiyag.

Handa raw nitong sulutin si Krystal sa pinsan nitong si Elmo Magalona na ka-loveteam ni Krystal sa Bantatay. Handa raw nitong gawin ang lahat-lahat para maging close at magustuhan ni Krystal. Hindi raw ito titigil hanggat hindi napapalapit sa dalaga.

Sa ngayon daw, hindi pa nagtatagpo ang landas ni Hiro at Krystal. Pero ‘di naman malabong magkasama ang mga ito sa mga shows ng GMA-7 lalo na’t pareho silang under ng Kapuso Network. Kaya naman daw ngayon pa lang, excited na si Hiro na makita at makausap nang personal si Krystal.

John’s Point
by John Fontanilla

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.