Gretchen Barretto, takot na gayahin siya ng anak na si Dominique

INABANGAN ANG pagsasalita ni Gretchen Barretto sa The Buzz last Sunday kaugnay ng awayan nila ng pamilya. Pero kakaibang Gretta ang nagbigay ng kanyang reaction sa mga paratang ng kanyang pamilya laban sa kanya.

Naging guest co-host kasi ni Boy Abunda si Gretta sa talk show kaya expected na magbibigay rin ito ng maanghang na pahayag laban sa ina at mga kapatid na umaalipusta sa kanyang pagkatao.

Binigyan ni Kuya Boy ng pagkakataon si Gretta kung anuman ang gusto nitong sabihin sa nangyayaring “awayan” nila sa pamilya.

Pero imbes na talakan at sagutin ang ginawang panlalait sa kanya ng sariling pamilya ay pag-iyak ang naging tugon nito.

Aniya: “Hindi madali ang pinagdadaanan ko ngayon. Hindi madali ‘yung pinag-uusapan ka ng buong Pilipinas. Hindi madaling pakinggan ‘yung pinagdaanan ko… ‘yung childhood ko.

“Away pamilya ‘to, Boy, hindi dapat isapubliko. It took so long for me to learn so many things. I learned this week that a tight embrace means the world to me. I learned na marami rin palang nagmamahal sa akin. I also learned that life was not perfect and I can’t have everything.”

Sinabi rin niya na ayaw na niyang magsalita pa at ito ay dahil sa kanyang nag-iisang anak na si Dominique.

“Dominique, my daughter knows my story. Many years from now, lilingunin niya itong nangyari sa akin. Maalaala ni Dominique na my mom never fought. And that’s important  to me, Boy. ‘Yun ang importante. That’s what I want to leave behind,” say ni Gretta.

Tama lang ang naging tugon ni Gretta na ‘di patulan ang kahit na anong masasakit na paratang sa kanya, lalo’t ang nagsasabi ay ang kanyang ina at mga kapatid.

Dahil kung sinagot niya ang mga paratang sa kanya ng ina ay posibleng ganoon din ang mangyari kapag sila ng kanyang anak ay nagkaroon ng tampuhan.

Natatakot siya na tularan ng anak kapag silang mag-ina ay nagkaroon ng hindi magandang pangyayari.

Tama lang na hindi siya sumagot dahil ito ang tatanim sa utak ng nag-iisang anak niya na si Dominique na isang mabuting ina ang isang tulad ni Gretchen Barretto.

 

AYAW MAKISAWSAW ni Dingdong Dantes sa pagkalas ni Marian Rivera sa manager nito na si Popoy C. at wala raw katotohanan ang balitang magpapakasal na sila ni Marian sa December.

Kung anuman daw ang isyung namagitan sa girlfriend niya at sa manager nito ay wala siyang nalalaman at labas siya sa naging desisyon ni Marian.

Basta whatever daw na desisyon ng girlfriend ay nasa likod lang siya at nakasuporta. Kung ano raw ang ikasisiya ni Marian, nandoon siya at hindi tututol.

Pero ang gumulat sa ilan press na nakausap ng manager ni Dingdong na si Perry Lansingan nang hingan ng reaction na ang alaga raw na si Dong ang dahilan ng pagkalas ni Marian sa manager nito na si Popoy?

For sure daw ay walang kinalaman ang alaga niyang si Dong sa pagkalas ni Marian kay Popoy. Although may alam daw ito sa pagkalas ng actress sa manager, pero mas gugustuhin na lang daw ni Perry na tumahimik at hindi na magsalita dahil may masasaktan lang daw.

Well, maaaring sa darating na araw ay mapilitan na ring ibulgar ng manager ni Dingdong ang isa sa dahilan ng pagkalas ni Marian kay Popoy kapag pilit na isinasangkot ang actor sa split up ng actress sa manager nito.

Payo naman ng mataray naming kasamahan sa panulat, dapat na raw mag-move on ang manager ni Marian at tigilan na ang pag-iyak at paghingi ng suporta sa mga kasamahang manager din.

Although hindi naman daw masisisi ang manager ni Marian na maghinagpis dahil daw diumano na malaking commission ang nawala sa manager sa pag-alis ng actress sa poder nito.

Samantalang may payo rin ang mataray na kasamahan namin sa panulat kay Marian. Dapat daw noon pang kasikatan at medyo bata pa naisipan nitong magpalit ng manager.

Baka raw sa paglipat nito ngayon na medyo may edad na ay tuluyan nang bumagsak ang showbiz career.

Ang senyales daw ng pagbagsak ng actress ay kapag hindi kumita sa takilya ang movie nito sa Regal Films kapartner si Richard Gutierrez na urong-sulong kung kailan ilalabas sa mga sinehan.

Oh. C’mon!
By Gerry Ocampo

loading...

16 thoughts on “Gretchen Barretto, takot na gayahin siya ng anak na si Dominique

  1. Ganyan na ganyan ang comment ko sa pep site. Kung anong ginawa mo babalik din sa iyo or sa susunod  na generation nio. Me mga anak at magkakaapo silang magkakapatid na nagbabangayan,Baka matulad din sa kanila kaya  magbago na sila at  mahirapan silang  suhetuhin  pag nagluko din ang anak. Baka sagutin sila ng “eh ganyan ka din noong kapanahunan ninyo”, aray.

  2. chehebureche, Mukistar, Sheena, Putrizk mgaSALOT sa Mundo labas sa pangalan nyo bulok ma pagkatao wala ginawa manglait ! pwee malansa pa kayo sa isda. Mas mabaho pa sa mga pangalan nyo background ng buhay nyo. Wag talak 2x kasi d nakakatulong sa lipunan.

    • “eeet ees nat mai nachor to doh dat….I am coming in from disent pamili” yan nabuking rin!!! Hindi na utouto ang mga tao sa Photoshop Photoshop na yan!!! Lokohin mo ang lolo mong kalbo sa Iloilo!!!

  3. Tabachina tlga itong c kabetchinang Marjorie ha. Grabe prang poste ng meralco ang mga hita sa laki.  Tska magang maga ang nips nya, prang kapapadede lang.  

    • ALL OF A SUDDEN, NALIPAT ANG SPOTLIGHT KAY MARJORIE HA. TATAHI-TAHIMIK SA AWAY NI LA GRETA AT MUDRA, NGAYON, SYA ANG MAY SCANDAL! KALOWKAH!

    • ganun talaga  majority mas magganda pa rin ang nanay. tama lang yung ginawa ni gretchen wag patulan  pakita niya sa ina  niya ang dapat ginagawa! hind siya tutulad sa ina niya   kung pano sila pinalaki ng hind tama! yun lang!

      • siguro nga tama kasabihan like mother like daughter coco!  gumaya lang sila marjorie gretchen . claudine at  lahat silang mgkakakpatid sa nanay nila kaya ganyan kinalabasan nila  puro may singaw!  di ba kasabihna nga nguumpisa sa bahay at mga magulang  kinakkitaan ng asal ng ugali ng mga anak  tingin mo so ang original  sa kanilang mgkakapatid sino pa?  simple  lang di ba with common sense!  kaya maggulo mgkakapatid  ?   kaloka!  

      • HAHAHA. BASED SA MGA SULAT NITONG SI MUDRA, MUKHA NGANG BUNGANGERA AT SOCIAL CLIMBER DIN.

Leave a Reply

Your email address will not be published.