Gretchen Barretto, sobrang thankful sa very fruitful 2010

VERY CLOSE FRIEND pala sina Ben Chan at Gretchen Barretto. Sa madalas nilang pagkikita, nabighani si Ben sa refreshing smell ni Greta hanggang nabuo ang concept ng perfume line ni Greta sa Bench when they go out dinner. “Nagugustuhan ko ‘yung amoy ni Gretchen then sabi ko sa kanya, gawan ko siya ng perfume, ganu’n kasimple. When she say ‘yes’ already, everything went smoothly. It took awhile because I didn’t open it up. One thing baka hindi naman niya gusto pero nu’ng mag-usap na kami… bakit hindi kami gagawa it’s to goddess in a bottle, ‘di ba? To develope a perfume, it takes time, at least six months,” kuwento ni Ben Chan.

Na-impress kami sa napakaganda at napakasosyal ng presentation ng bagong perfume ni Gretchen na ginanap sa Trinoma. Stunning ang beauty ni Greta nang gabing ‘yun, hindi niya napigilan ang hindi maiyak sa sobrang blessing na dumarating sa kanya.

“Nagpapasalamat ako sa Diyos sa lahat ng biyayang ibinigay niya sa akin. Kahit sa pana-

ginip hindi ko inakala na ito ang mangyayari sa career ko. Hindi ito mangyayari kung hindi sa tulong ng ABS-CBN sa lahat ng bumuo ng Magkaribal at MMK. Naiyak ako, na touch ako sa lahat ng nangyayari sa buhay ko sa career ko. The peace that I have and it’s really very nice Christmas and it’s a very good year that I ever had in my whole life. So, I’m really, really thankful sa dalawang Best Actress awards. It’s really mabango ang year end for me.”

Pinakamalapit sa puso ni Gretchen na bibigyan niya ng kanyang perfume? “You know right now, lahat para sa akin malapit sa puso ko. I found forgiveness in my heart for all those na mga nasaktan ko. Naumpisahan ‘yun ni Angelica Panganiban, few months ago na ‘yung nag-apologize siya sa akin, at nag-apologize din ako sa kanya. It’s been a great year. I know, marami rin akong nagawa in the past na hindi kanais-nais. Kung sinuman ‘yun nasaktan ko rin, humihingi ako ng tawad. Peace for everyone. Okey na ang lahat, basta nasa puso ang pagpapatawad nandu’n naman ‘yun.”

Kumusta naman kayo ni Claudine Barretto? “You know what? Bilang respeto na lang, ayaw niyang pinag-uusapan siya, ayaw niya na naiintriga so, bigay na natin sa kanya. Ayaw ko kasing may nasabi ako, pinapalaki, kung anu-ano ang nangyayari. I respect my sister and that’s what she’s asking, so ‘yun ang ibibigay ko. Regalo ko sa kanya na huwag siyang pag-usapan. Huwag na nating dagdagan ang mga problema.”

Tinanong namin si Greta kung nagkausap na sila ni Claudine. Ayaw niyang mag-comment pero halata mong nagkaayos na silang magkapatid. This Christmas, magsasama-sama kaya ang buong pamilya nila? “I’m leaving… talagang lumalabas kami ng bansa para makapag-bonding kami nina Toni at Dominic. Alam naman ninyo, napaka-busy ng year ko. Utang ko talaga sa pamilya ko ang oras ko.”

Ipinagmalaki pa ni Gretchen na next year may bago siyang business na bubuksan. “It’s all about beauty. I’m gonna suprise everybody next year para naman hindi kayo ma-overwhelm. On February, I’m gonna start my new teleserye under ABS-CBN and marami akong businesses na bubuksan. So, I don’t know if I have time to do a movie.”

Message ni Greta sa entertainment press. “Salamat sa mga good comments and not good comments about my acting because you inspire me to be a greater Gretchen.”

May ganu’n?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.