Gretchen Barretto, sinabihan ng laos at wala nang career si Claudine?!

WAR PA RIN pala hanggang ngayon sina Gretchen at Claudine Barretto.

Nakarating na kasi kay Gretchen ang one-liner ni Claudine nang mainterbyu siya sa airport pagdating niya mula sa US kamakailan.

Halatang imbiyerna si Claudine nang tanungin siya ng TV reporter kung ano na ang estado nila ng kanyang ate. Ang pananaray ni Claudine sa reporter ay “Bad trip-in ba ako?”

Aware na raw si Greta sa inasal ng kanyang kapatid kaya naman tila nagpatutsada ito. Naringgan kasi si Greta ng ganito minsan sa pakikipagtsikahan niya sa ilang kaibigan.

“’Wag na nating siyang patulan dahil tila laos na siya, wala siyang career at wala siyang teleserye,” diumano’y sabi ni La Greta.

Si Claudine kaya ang pinatututsadahan ni Gretchen dito?

Anyway, isa raw sa tsutsugihin sa Siyete ang weekly drama show ni Claudine na hindi nagre-rate.

NATAWA KAMI AT hindi kami makapaniwala sa tsikang nakarating sa amin na P10,000 weekly lamang daw ang tinatanggap na talent fee ni Mo Twister sa GMA-7 for hosting Showbiz Central.

Talagang hindi kami makapaniwala sa liit ng talent fee ng tactless na TV host. True ba ito?

Ang tsika pa sa amin, ito raw ang matinding dahilan kung bakit nilayasan ni Mo ang Siyete.

Magaling na host si Mo Twister at kayang-kaya niyang gawing interesting ang Paparazzi at Juicy sa tuwing siya ang nagho-host. Maanghang kasi siyang magsalita at wala siyang takot magsabi ng kanyang niloloob. Saludo kami sa kanyang pagiging vocal. He is an asset sa anumang show na kanyang kinabibilangan.

TRUE KAYANG MALABO nang magkabalikan sina Kris Aquino at James Yap?

Hindi na raw feel bigyan ng chance ni Kris ang kanyang dyowa sa ginawa nitong pagkakamali this time. Iyon nga raw ang dahilan kung bakit nilayasan na niya ang kanyang dyowa.

May nakausap raw na confidante si Kris at sinabi raw nitong ayaw na niyang balikan si James.

Nakipag-usap na si James sa mga kapatid ni Kris. Maging ang manager na si Dondon Monteverde ay payag mamagitan sa kanila huwag lamang silang maghiwalay. Si Dondon ang naging tulay upang magkakilala ang dalawa.

LUMAYAS SI SHIVAKER sa Tweetbiz dahil gusto raw nitong mag-concentrate sa kanyang radio show at sa Diz Iz It.

Hello?! Matsutsugi na ang Diz Iz It, ‘no! Dahil hindi ito nagre-rate.

Baka hindi lang niya feel ang Tweetbiz dahil hindi nga naman bagay sa kanya na kalalaking tao ay nagtsitsismis siya. Isa pa, hindi naman nagre-rate ang Tweetbiz at wala yatang nanonood dito. Mas may laman pa ang Paparazzi at Juicy sa Tweetbiz, ‘no!

Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

15 thoughts on “Gretchen Barretto, sinabihan ng laos at wala nang career si Claudine?!

  1. EXCUSE ME SA NAGSULAT NITO NOH PERO MAS KUMIKITA NAMAN ANG TWEETBIZ KASI MAY COMMERCIAL LOAD SILA KESA NAMAN SA JUICY AT PAPARAZZI WALANG COMMERCIAL LOAD! AY MERON PALA ISA SMART NA SISTER COMPANY NG TV5 HAHAHA!

  2. WLA KA MAGAWA KUNDI MANG GAMIT…REMEMBER NAGPA GAMIT KA SA ABS LABAN KAY CLAUDINE PUMAYAG KA PA NA ISABAY UNG MAALALA MO SA PILOT EPISODE NI CLAU…MAS PINILI MO UNG KAPAMILYA KESA SA TUNAY MONG PAMILYA…MANG GAGAMIT…LAOS

  3. ayyy naku lola greta wag mong gamitin ung kapatid mo
    wag mo craan nkakaya ba ng konsensya mo kapatid mo inaaway mo PANGIT NGA TALAGA NG UGALI MO…

  4. korek ka jan!! magkapatid pa man sila tapos ganon sila magtreat sa isa’t isa.. sana naisip nila na hindi lang sila yung napapahiya at napaguusapan, kahihiyan din ng mga magulang nila yun.. isa lang din pinapakita nila pangit ang pagpapalaki sa kanila.. ingitan, wag ganon..

  5. ang sama tlga ng tabas ng dila nitong greta na ito! akala mo naman e narating nya ang kasikataan noon ni claudine! hoy greta ikaw IMMORAL ka! ang kapal ng face mo na ganyanin ang little sister mo! ikaw ang masama ugali kaya kita mo kampi kampi ang buong family mo at ikaw ang tablado!!!!

  6. Ay saaaws!! nagbitaw nanamang ng nonsense ang Pambansang Kabet! Wag si Claudine ang awayin mo! Dapat ang biyenan mong hilaw na si Imelda Cojuangco ang insultohin mo.

  7. NAKUH GRETA NAKAKARMA KA NA SA MGA PINAG GAGAWA MO PATI MOMMY KO NABWIBWISET NA SA IYO.TIGNAN MO MUKHA MO PARANG NATUTUNAW NA AT PUMAPANGIT KA NA KAILANGAN MO PANG PATUNGAN NG ISANG KILONG MAKE UP.PAG LA KANG MAKE UP MUKHA KA NG HORROR FILMS.KAYA SI DEREK DI PUMATOL SA IYO.PINAGTATAWANAN KA NILA LOLA GRETA

  8. KUNG MAY MANONOOD NANG MAGKARIBAL, HINDI DAHIL KAY GRETCHEN. MARAMING FANS SINA BEA, ENCHONG AT ERICH.

  9. ahahahaha,,greta wag kang magsabi ng LAOS dahil laosiana k din,,actually SUMIKAT kb?oo sumikat k kase nagpa sexy k,,atlis naman ang kapatid m sumikat ng hndi ginamit ang katawan,,,,,un nga lang mashoba n din ang kapatid m,,ikaw naman tumatandang PAURONG,,,,kadirdir!!!

  10. lumalabas ang tunay na ugali ng magkapatid, INGGIT sa isat isa at nagsisiraan, kawawang mga nilalang sa konting flash ng liwanag nasisilaw na pati pamilya o pagkakapatiran ay nalilimutan. parang si hudas ibebenta ang pamilya para lang mapagusapan.

Leave a Reply

Your email address will not be published.