Gretchen Barretto, sa isang tao lang gusto magpasampal!

NAGSIMULA NA NGA ang workshop at story conference ng bagong teleserye nina Gretchen Barretto at Bea Alonzo. Ito dapat ang supposedly pagsasamahan ng magkapatid na Barretto pero dahil nag-ober da bakod na si Claudine, si Bea na ang nakakuha ng puwesto na ito. Malapit na ring gumiling ang kamera at isa-isa na rin naming nakikilala ang mga makakasama nila sa teleserye.

Isa sa mga malapit naming kaibigan, si Angel Aquino, ang magiging kontrabida ni Gretchen Barretto sa soap. Ayon sa nakausap naming staff ng show, “personally handpicked” si Angel sa role na ito dahil kung ganda at ganda lang naman din ang pag-uusapan, e, hindi naman daw magpapatalbog ang morenong host ng Us Girls. May mga ilang requirements lang ang naturang character niya bilang kontrabida na kailangan niyang talbugan sa ganda at mga kagamitan si Greta.

Naikuwento sa amin ni Angel ang kanyang excitement sa new project na ito at siyempre kung may kontrabida, meron ‘yang sampalan. Ang tanong, sino ang magpapasampal kanino? Ang tanging naikuwento lang sa amin ni Angel, sa kanilang story conference daw sinabi lang ni Greta na sa isang tao lang daw siya magpapasampal at ‘yun ay walang iba kundi si Angel Aquino. Taray huh!

Pero mas mataray pa rin talaga si La Greta dahil nakasalubong namin siya nu’ng Sunday matapos ang live show ng ASAP XV. Papunta siya sa 13th floor ng ABS-CBN ELJ Building para sa Summer station ID shoot nila ni Bea Alonzo. Magkasama sila ni Bea sa naturang shoot. At doon naipakita sa amin ‘yung bagong Range Rover na sasakyan ni Greta na bigay ni Tony Boy Cojuangco sa kanya! Kabog, ‘di ba?

AND SPEAKING OF Us Girls, sila ang magpapasikat mamaya sa Showtime. Sina Iya Villania, Chesca Garcia and Angel Aquino ang magpapakitang-gilas sa kanilang talento sa harap ng madlang people!

Mamayang gabi na rin ipalalabas ang simula ng Summer Episodes ng Us Girls sa Studio23. Mga tamang pagsuot swimsuits, mga accessories at mga magagandang lugar na puwedeng puntahan dito sa ‘Pinas. Lahat ng ‘yan ipapakita sa episode ngayong gabi ng Us Girls, 7 P.M sa Studio23.

Meron din pala’ng bazaar na magaganap sa March 13 at 14 ang Us Girls. Ito ay gaganapin sa Trinoma Cinema Lobby. Bukas ang bazaar during mall hours at may hinanda pa kaming entertainment at kung anu-anong gimmick para sa inyong lahat. Go na kayo, ha?! Check n’yo rin ang website ng Us Girls sa Facebook. Hanapin n’yo lang ang Us Girls!!!

NGAYONG SABADO NAMAN sa The Bottomline with Boy Abunda, haharapin na ni Department of Energy Secretary Angelo Reyes ang lahat ng katanungan ng taong bayan tungkol sa patuloy na brownouts at kakaulangan sa kuryente rito sa ating bansa lalo pa ngayo’t papalapit na ang eleksiyon! Walang uurungang katanungan. Lahat sasagutin. Sa Sabado na ‘yan, The Bottomline with Boy Abunda, pagkatapos ng Banana Split.

loading...

13 thoughts on “Gretchen Barretto, sa isang tao lang gusto magpasampal!

  1. HEHEHEHE! KARMA SA GINAWA NIYA KAY NADIA KAHIT MATABA SI NADIA MUKHANG TAO SI GRETA MUKHANG TUTA

  2. PANGIT MO NA GRETA.BAKA KUNG SAMPALIN KA MABASAG PAGMUMUKHA AT MALAGLAG ANG MGA SINULID MUKHA KANG MATSING GRETA

  3. Panay naman kasi pagyayabang ang kaya niyang gawin, di naman siya legal spouse. Kung di man nakikipaghiwalay ang tunay na wife ni TBC at dahil ito sa mana, well karapatan niya yun at ng kanyang anak. They are the true heirs, kesehodang may kabit pa si TBC. Yung illegitimate child lang ang maaaring tagapagmana. Kaya di kawawa ang legal na asawa, itong kabit ang kawawa. Oo nga mahal siya ng lalaki pero hate naman siya ng buong clan nito. Di ba pag may mga okasyon ang pamilya ni TBC e wala naman pumapansin kay kabit at parang langaw lang siya sa pader. That’s her real life, a life of pretense and sadness. Material things can never totally give you happiness & contentment. Love, yes she has but security and commitment thats another story.

  4. GOODLUCK sayo gretchen!

    ok lang yan gretchen. sino ba ang inuuwian ni tony boy gabi-gabi, di ba si gretchen lang that means mahal talaga ni tony boy si la greta, mas nakakaawa nga ang dating asawa ni tony boy kasi ayaw ipa-annul ang kasal nila just because of “mana”. although mayaman naman ang dating asawa ni tony boy, pero bakit hindi nya maibigay ang freedom kay tony boy? sino ngayon ang mas kaawa-awa? kaya ok lang yan gretch!

  5. Si La Greta gustong gayahin ang mukha ni Angelina Jolie, ayan na nga. Kamukha na niya, kamukha na niya si Madam Auring!

    • napansin mo rin pala ! dati di halata ang pagkakaroon na nya ng edad pero ngayon parang sumasama ang hitsura nya. pagbaba ng mukha ni gretchen nagpaparang mukha na ni mura. yung bandang taas ng labi. baka sa kakabago nya ng mukha nya mauwi syang katulad ng mukha ni priscilla presley na nadamage ang mukha.

  6. kahit na anong mamahalin na bagay ang magkaroon si gretchen di pa rin sya masaya deep inside her alam nya meron syang isang bagay na wala sya, ang kasal. kunwari lamang ang sinasabi nya na masaya siya, na maligaya sya. halos lahat ng babae na lagi na lamang na asa shadow ng pagiging kabit e di masaya. dahil ang gusto ng babae ay ang makasal sya.

    • Kasal nga ba kay Tony Boy ang gusto ni Greta, o kasal sa isang magandang lalaki? lol

  7. Bongga talaga si gretchen hah! after ng sportscar na jaguar eh range rover. Naku ha, baka sa susunod ay lamborghini naman o dili kaya ay bugatti veyron naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.