Gretchen Barretto, pinataboy sa mga bodyguard ang mga batang nagtitinda ng sampaguita sa Baclaran!

KINAGABIHAN DIN NITONG Martes, ibinalita ng Showbiz News Ngayon (SNN) ang pagpanaw ng manager na si Wyngard Tracy. He was 58.

Pagbalik sa live right after the VTR was shown ay taus-pusong nakidalamhati ang program host nitong si Boy Abunda. In describing Mr. Tracy, Kuya Boy used modifiers such as “giving” and “generous”. Such a brief testimonial reaffirmed colleague Nitz Miralles’s well-kept secret na nito lang niya ibinahagi sa amin ng kaibigang Rommel Gonzales at the presscon of My Amnesia Girl that same night.

Ayon kay Nitz, hinding-hindi raw niya makakalimutan si Wyngard na malaki ang naitulong nu’ng magkasakit at ma-confine sa isang Quezon City hospital ang kanyang older sister, then suffering from cancer of the nerves.

Through the intercession of Aster Amoyo, ang noo’y hindi naman malapit na si Nitz kay Wyngard ay sinaklolohan nito sa tulong-pinansiyal. Ang maganda pa raw sa act of charity na ‘yon ng manager two years ago ay ang mahigpit na bilin nito kay Nitz na huwag nang ipagsabi ‘yon.

True enough, it was only until Wyngard’s death that Nitz unveiled the secret. Anyway, sa mga naulila po ng tanyag na manager, ang taus-puso pong pakikiramay ng Pinoy Parazzi.

HINDI RAW MAAARING mamalik-mata ang kasama naming manghuhula sa Tweetbiz who calls himself Mr. E (If pronounced snappily, may tunog nga namang “mystery”), pero tukoy na tukoy niya ang aktres na nakasalubong niya papasok ng Baclaran Church noong Biyernes ng umaga: si Gretchen Barreto.

Pahakbang daw si Mr. E sa pintuan ng naturang simbahan ay siya namang papalabas si Gretchen clad in white dress, may tangang puting payong at ineeskortan ng kanyang mga bodyguard. Kilalang puntahan ang Redemptorist Church ng mga artista, oftentimes during unholy hours to elude public attention if not mobbing crowd.

Siyempre, nakilala si Gretchen (in broad daylight ba naman) na dinaluhong ng mga bagets peddling their sampaguita leis. At that juncture ay halos within an arm’s length lang ang layo ni Mr. E sa aktres, kung kaya’t naringgan daw niya ito nu’ng magdayalog ng: “Guard, can you please clear my way? Ayoko nang hinaharangan ako!” Gretchen’s men obliged.

Nag-flashback tuloy sa aking kamalayan ang noo’y natsismis nang pagsusungit ni Greta when she hopped inside an elevator of an imposing building in Makati City years ago. May nakasabay raw kasing sosyalerang matron ang hitad whose sight she could not stand, kung kaya’t naglinya ito sa kanyang mga bodyguard na: “Can you please get this woman out of the elevator?”

But poor Greta, hindi raw kasi ‘yon pinalampas nu’ng babae who snapped back: “Can you please get this woman out of my building?!”

Ewan kung urban legend lang ‘yon, but even if it’s a myth… it’s so very Gretchen Barretto!

TALK ABOUT MYTHS as opposed to facts, ugaliing manood ng Magic Gimik! on TV5 every Sunday with hosts Empoy and Kean Cipriano. Every magic trick has an intelligent title, ipinakikita muna ang mahikang kabilib-bilib only to reveal ang pandaraya sa likod nu’n. Bilis lang ng kamay pala ang pagma-magic, na kung kukurap ka… maiisahan ka!

Pepperoni
by Ronnie Carrasco III

loading...

21 thoughts on “Gretchen Barretto, pinataboy sa mga bodyguard ang mga batang nagtitinda ng sampaguita sa Baclaran!

  1. Si Greta pala yung nasa B.I.Sobrang nakakahiya yun ha!.Paano na kung matigok si Tony Boy Cojuanco?Mawawala lahat ng yan sa kanya ,lalu na mga bodyguad’s nya.

  2. Mr. Carrasco, pakibawasan po ang pag ta taglish, kasi nagmumukha kayong trying hard na kolehiyalang bakla! Ok naman ang english nyo pero mali-mali po ang gamit ninyo to imply the meaning… ano pong sinasabi ninyong MYTH? Myth po is related to gods/godesses….
    Kala ko po ba professor kayo? Bakit po yung line of thoughts ninyo, palengkeng- palengke?

  3. thats what money can do to people..
    kung sino yung mga taong di talaga mayaman, at yumaman lang dahil nakapag-asawa ng mayaman, sila pa yung mayabang at matapobre..
    kulang kasi sila sa attention at ngayon lang naka-feel ng sense of security.. kaya pinagyayabang nila kung ano ang meron sila ngayon na di nila natikman dati..

  4. sabi ng aking friend na isang secretary ng isang congressman, totoo daw yung sa elevator incident. siya mismo ang nandon at nakawitness. oh well.

  5. by the way, nasaan na nga pala kaya ang dating asawa as in legal husband ni Greta na si Joey L? na-annul ba iyong marriage nila. di ba binugbog siya noon nito kasi nahuli siya na kalaguyo si morning?

  6. the Yuchengcos denied it pero totoo raw talaga ang incident. bakit nga pala kailangan nito ang bodyguards eh di naman siya kikidnapin kasi ala naman siyang pera. si TB marami pero siya ubos na sa shopping. tapos pinapalabas pa niyang ang dami niyang signature outfit pero parang paulit ulit lang naman ang mga ito. nilalagyan lang niya ng accessories. pero totoong marami siyang bags pero wala siyang alahas kundi pearls lang at iyong isang pear-shaped na diamond ring with baguettes. talbog siya kay Sharon ksi si Negastar daming alahas na bawat isa ay katumbas ng isang malaking bahay. some of which courtesy of Pasay. ahi!hi!

  7. naaliw ako dito grabe. true or not, na-entertain ako ng husto… “can you get this woman out of my building” hhahahha. nakakuha ng katpat c greta.

  8. Magaling talaga ang pinoy sa mga panggagaya ng mga shows dito sa abroad. Inspired lang yan sa isang show dito sa u.s. na nire-reveal nila kung papano ginagawa ang magic.

  9. Hindi lang si Gretchen ang suplada. Si Amalia Fuentes
    nuong kasikatan niya ay balita sa kasupladahan. Pag
    lumalapit ang fans sa kotse niya, nagsasara siya nang
    bintana. Me isang incident, me fan na binato nang mango
    ang kotse ni Amalia dahil nagpakita ito nang kasupladahan. Talgang ganyan ang showbiz walang
    perfect.

  10. Kung hindi naman kumabit si Gretchen Barretto kay Tony Boy Cojuanco hindi naman siya yayaman eh. Sana lang wag masyadong mayabang ang feelingera itong si Gretchen….ayaw nga siya pakasalan ni Tony Boy hanggang ngayon kaya forever ‘KABIT’ na lang ang drama…uubusin na lang siguro niya ang kayamanan ni Tony para makabawi dahil ayaw siyang pakasalan! LOL

Leave a Reply

Your email address will not be published.