Gretchen Barretto, nakapaninibago ang pagka-good girl!

NAKAPANINIBAGO, GOOD GIRL na ngayon ang drama ni Gretchen Barretto. Walang controversial issue tungkol sa kanya. Maging sa mga social gathering, bibihira mo na siyang makita. Nanahimik pero magiging visible uli ang actress kapag ipinalabas na ang kanyang teleserye with Bea Alonzo and Derek Ramsey.

Pinangako kasi ni Greta sa partner niyang si Tony Boy Cojuangco na sisikapin niyang magbago para sa ikatatahimik ng kanilang pagsasama. Na-realize niya ‘yung mga kalokohang pinaggagawa in the past. It’s about time na raw na mag-behave siya, magpasalamat sa mga blessings na dumarating sa kanya. Sa totoo lang, madaling-araw kung magsimba si Greta sa Baclaran.

Sa ngayon, maayos na raw ang pagsasama nila ni Tony Boy, nanumbalik uli ang pagmamahal nila sa isa’t isa. Dumating pa nga sa point na niligaw-ligawan uli siya nito. “It’s so peaceful, it’s so quiet and I love it. I love that I don’t have to worry about things and have no fear.  We are so together now more than ever… so good, so nice,” sey ng aktres.

Pinuri-puri ni Gretchen si Bea, bilib siya sa husay at galing nito lalo na raw pagdating sa iyakan. Siyempre, hindi patatalbog ang singer-actress, makikipagsabayan din siya sa mabibigat nilang eksena. Kina-career ngayon ni Greta ang pagiging actress, pina-practice kung paano umiyak sa salamin na hindi nagugusot ang mukha. Kailangan, tears lang, hindi gumagalaw ang face niya. Si Bea raw kasi steady lang, kahit umiiyak maganda pa rin siyang tingnan.

Ikinuwento pa ni Gretchen na kinabahan siya sa una nilang eksena ni Derek Ramsay. Noon pa man, very vocal siya na gusto niyang makatrabaho ang hunk actor. Siya mismo ang nag-request sa Management na gusto niyang maging leading man ang binata sa bago nilang teleserye.

Thankful naman si Derek sa pagpili sa kanya ni Gretchen. Nasabi pa nga ng binata kung walang Angelica Panganiban sa buhay niya ngayon at single si La Greta, liligawan niya ito.

WALANG INAAKSAYANG ORAS si Pokwang, kayod to the max para sa magandang kinabukasan ng kanyang pamilya. Malaking impluwensiya sa kanya sina Manay Ethel Ramos at Aga Muhlach para matupad ang kanyang mga pangarap.

“’Yan ang natutunan ko sa kanila, kung kaya mo rin lang bayaran ng cash, i-cash mo na para hindi ka ngarag sa pagbabayad monthly. Mag-invest ka ng property habang kumikita ka ng malaki. Alam mo naman ang trabaho natin, hindi mo masasabi kung hanggang kailan tayo tatagal sa showbiz. Ngayon, nakikita ko ang pinagpaguran ko, nakakawala ng pagod at stress. Wala na akong mahihiling pa kay Lord sa mga blessings na dumarating sa akin. Puro pasasalamat na bonggang-bongga sa Panginoon.”

Ngayong graduate na siya sa pagbabayad ng amortization ng bahay at lupa nila sa Antipolo. Kabibili lang niya ng resort sa Bataan para gawing bakasyunan. Sosyal ang nasabing resort dahil residential din siya at the same time. Cash niya itong binayaran para hindi niya problemahin ang monthy amortization. Pinag-iipon ni Pokie ang pagpapatayo ng bahay sa kanyang residential resort na nakaplanong simulan this year.

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

4 thoughts on “Gretchen Barretto, nakapaninibago ang pagka-good girl!

  1. LILIGAWAN NIYA SI GRETA KAPALIT NI ANGELICA HINDI MALI BALITA MO KAPALIT NG ALAGANG TUTA NI DEREK.MUKHA NA KASING CHUWAWA SI GRETA DAHIL SA DAME NG RETOKIE

  2. HINDI NA KASING PUWEDENG MAG IRAP SI GRETA RETOKE BARETO KASI MUKHA NIYA SOBRANG RETOKE WALA NANG MASEL ANG MUKHA NIYA…

  3. May prinsipyo si Pokwang. Hindi natakot kay Willie nang lumabas siya na si Noynoy ang kanyang susuportahan. Hindi katulad nang ibang co-host ni Willie na balimbing.

  4. Wow, congrats Pokwang!

    Congrats Gretchen for behaving like a good girl. Ituloy tuloy mo na yan. Sayang ang tonyboy kung tratraydurin mo na naman.

Leave a Reply

Your email address will not be published.