Gretchen Barretto, nagtaray sa reporter!

NAKUWENTO NGA sa akin ng staff ng Startalk ‘yung pagtataray ni Gretchen Barretto sa mga nag-interview sa kanya sa awards night ng Cinemalaya 2013 nu’ng nakaraang Linggo.

Nairita raw ito na lagi na lang tinatanong sa kanya ang tungkol sa isyu nina Claudine Barretto at Raymart Santiago.

Lagi na lang daw siya idinadawit sa isyu ng pamilya gayung itinakwil naman daw siya.

Kaya hindi na raw siya Barretto, at ang kinikilala na lang niyang kapatid ay sina Marjorie at Jayjay.

Nakakaloka na itong gulo ng pamilya Barretto. Hindi na talaga magandang tingnan at ‘di na dapat sinusubaybayan.

Dapat magsalita na rin siguro si Inday Baretto at kung maayos pa ba niya ang pamilya.

Ang isa pang ikinairita ni Gretchen nang tinanong ito kung ipinagdarasal ba niya ang pamilya at ang pinagdaanan ngayon ng mag-asawang Raymart at Claudine.

Naloka ang mga reporters sa sagot niya na ano naman daw ang pakialam ng mga ito sa pinagdarasal niya, “Are you God?” sabi nito sa reporter ng GMA 7 News.

Bakit daw pati dasal niya pinapakialaman. Kung anu-ano na ang mga sinabi sa harap mismo ng kamera.

Tingin n’yo titigil na riyan si Gretchen? Hindi, ‘day! Type na type naman niya ang ganyan, eh. I’m sure marami pa ‘yang sasabihin at baka nga guest pa ‘yan sa The Buzz sa Linggo, eh. Tingnan na lang natin.

Hay, naku! Ayaw talaga paawat ang mga Barretto.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Gretchen Barretto, nagtaray sa reporter!

  1. Lolit Solis,Cristy Fermin sana tigilan na ninyong dalawa sa mga evil comments ninyo sa mga artista hindi ninyo gusto,baka magaya kayo kay tita swarding na RIP na.Anyare Gretchen akala ko sabi ni kris aquino 3 to 5xs ka nagrosary /day,bakit ganyan ka sa Mom mo ,nanay mo yun iha.Hindi ka ba Gretchen nahihiya sa mother ni Tony C.pera nila ang ginagastos mo di ba?Sana no comments na lang sagot mo sa mga reporter,yabang mo day,pa class ka pa ha

  2. ok lang yan ms gretchen, ako rin maiirita alam naman ng lahat na meron kayong gap sa family pero bakit di ka nila tantanan sa mga ganyang tanong, sa totoo lang ang mga nagtatanong sa iyo e mga kulang sa respect, even though you’re a public figure you still have the right for privacy, pati ba naman kung anong idinadasal mo pinapakialaman nila, also, naniniwala ako na time heals all wounds, maayus din yang problema niyo in your family, yung problem ni ms. claudine are problema nilang mag-asaw sila umayos nun, di naman maayus ng comment ni ms. gretchen, sila tumapos ng problema nila. at saka nga pala, regarding yung line sa column sa itass na “Nakakaloka na itong gulo ng pamilya Barretto. Hindi na talaga magandang tingnan at ‘di na dapat sinusubaybayan.” bakit pa po kayo nagsulat ng ganitong column? ms. lolit sorry if i sound a bit rude pero, what is the point of this column? this column is very suggestive of putting ms. gretchen in a very negative light. peace out god bless and may mama mary watch over us. 

Leave a Reply

Your email address will not be published.