Gretchen Barretto, nag-init ang ulo nang kumustahin sa kanya si Claudine Barretto

WALA LANG siguro sa mood si Gretchen Barretto nang makaharap ang media last Sunday sa awarding ceremonies para sa 2013 Cinemalaya.

Ang ganda ni Greta sa kasuotan niya. In the good mood siya na dumalo sa okasyon without the bad and negativities ng mundo at hayun, nasampulan ang press na umuurirat sa kanya tungkol sa nakababatang kapatid na si Claudine Barretto.

Into hiding kasi si Claudine. Hindi nai-interview (bukod doon sa pagkakataon na nakausap siya ng ilan nang magsampa siya sa Marikina Regional Trial Court ng Temporary Protection Order laban sa mister na si Raymart Santiago.

Kung maalala pa, isinumpa na si Greta ng ina niya. Itinakwil na mula nang magkaroon sila ng alitan na ang buong pamilya ay nagkampi-kampihan. Si Greta kakampi si Marjorie at kapatid na Jayjay laban sa buong angkan niya.

Mainit ang ulo ni Gretchen nang tanunigin at kumustahin ng press si Claudine sa kanya.

Walang pasubali na sagot ni Gretchen: “I’m not part of the family anymore. My family is Tony (Tonyboy Cojuangco) and Dominique (anak niya); Marjorie and Jayjay,” na kakampi niya sa laban noong kainitan ng tungalian nilang mag-ina last April of this year.

Kung sa bagay, hindi natin alam ang timpla ng kapwa natin. Last Sunday, wala sa mood si Gretchen o masasabi na mali lang ang entrada ng mga kapatid na press nang tanungin siya. Mabait naman ang Lola Greta mo kapag nasa mood.

Reyted K
By RK VillaCorta

loading...

One thought on “Gretchen Barretto, nag-init ang ulo nang kumustahin sa kanya si Claudine Barretto

  1. Pingback: Gretchen Barretto, nag-init ang ulo nang kumustahin sa kanya si Claudine Barretto | CelebrityPhilippines.com

Leave a Reply

Your email address will not be published.