Gretchen Barretto: Kakambal ng sinungaling ang magnanakaw!

Gretchen-BarrettoAYAW TALAGANG magpaawat ni Gretchen Barretto, matapos magbigay ng pahayag ang kanyang inang si Mommy Inday kung saan bahagi ng sinabi nito ay may nakasaad na, “Hahaha- This one had always been stupid even in her evil ways!”
Tugon ‘yan ng ina ni La Greta matapos siyang magpatutsada rito sa maraming bagay kabilang na ang jewelry store incident years back.
Sinabi pa mismo ni Mommy Inday sa kanyang statement sa pep.ph na ‘Buenamano pa lang yan,” at may balak pa raw itong isa-isang sasagutin ang mga alegasyon ng anak sa mga susunod na araw.
Linggo ng alas-dos ng madaling-araw, October 28, hindi na rin nagpapigil si Gretchen at sumagot ito sa komento ng kanyang follower sa Instagram account, kung saan nagpahayag ito ng suporta sa una.
Nangyari ang palitan ng mensahe sa huling post ni Gretchen sa Instagram kahapon kung saan ipinagmalaki nito ang P+ na gradong nakuha ng anak na si Dominique.
Ayon pa kay @mitchsan_, “Ay nako. Nabasa q ang mga message ni Inday sa pep. Grabe naman xa, makatawag sya ng Devil sa anak nya prang di xa ang nagluwal sayo. Naiintindihan q si Ms. Gretch. Napakasakit ng mga binibitiwan ng sarili mong ina sayo.”
Dagdag pa niya, “Tama ba naman na, dungisan ang sariling anak para lang mapagtakpan ang baho nya. Grabe talaga. Be strong ms. Gretchen.”
Sagot ni Gretchen, “@mitchsan_ she has to discredit me to conceal all her wrongdoings. May kasabihan na Ang kakambal ng sinungaling (at) magnanakaw.”
Kabog.

 

NAGHAIN NG motion for reconsideration ang actor na si Baron Geisler last July 17 sa Makati Municipal Trial Court kaugnay sa naging hatol ditong guilty sa kanya sa kasong acts of lasciviousness na isinampa naman ni Patrizha Martinez, anak nina William Martinez at Yayo Aguila.

Gretchen-BarrettoPero wala pang naging balita kung anon a ang kinahihitnanan ng apela ni Baron.

Sa presscon ng bagong pelikula nitong Sapi last week sa Mandaluyong City, inusisa namin si Baron tungkol dito.

Tugon ng actor, “So far, no comment about it, but you know as I said, I’m praying na… na maging okay ang lahat. So abangan na lang natin kung anong mangyayari.”

Positibo kaya siyang malalampasan niya ang hamon na ito sa kanyang buhay? Ayon pa rito, “We are not sure but were praying every day.”

Pero willing kaya siyang harapin kung anuman ang maging resulta ng kasong ito? Saad niya, “O, yes, o, yes. Kung anong ibigay sa akin, tatanggapin ko.”

Natakot ba siya noong bumaba ang guilty verdict sa kasong kinasasangkutan niya? Sagot niya, “Hindi naman sa takot eh, I got a little depressed kasi parang it’s hard to say you know my side of the stories, my side of the story and you know I will stick with it.”

Bukod sa nasabing pelikula, may isang international movie si Baron na natapos na niyang i-shoot, ang Waves. Isang buwan daw halos ang ipinamalagi nila sa Palawan para matapos ang naturang pelikula.

Wish naman daw ni Baron na muling magka-proyekto sa telebisyon.

Sana tuluy-tuloy na nga itong pagbabalik-showbiz ni Baron matapos masangkot sa iba’t ibang gulo.

Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “Gretchen Barretto: Kakambal ng sinungaling ang magnanakaw!

Leave a Reply

Your email address will not be published.