Gretchen Barretto, ingat na ingat masaktan si Claudine Barretto

GAYA NANG INAASAHAN, ipinagtanggol na ni Mr. Ben Chan si Kris Aquino sa isyung pagkaharang nito sa billboard nina Willie Revillame at Shalani Soledad.

Walang nagawa si Ben nang kinorner siya ng mga reporter sa launch ng bagong line of perfume nila ng Bench na Greta, kung saan si Gretchen Barretto ang image model hango sa tawag sa kanyang Greta siyempre.

Kung may sariling isyung dapat sagutin si Gretchen, meron din si Ben dahil kailangan niyang sagutin ang isyung iyan sa billboard na ipinangako niya kay Willie.

Inamin naman ni Ben na nagkausap sila ni Willie tungkol sa binabalak na billboard na ibibigay nito sa Willing-Willie. Since si Shalani ang co-host nito, siyempre kasama siya sa pictorial na ginawa nila para sa billboard na bigay ng Bench sa kanya.

Ipinagyabang na nga sa amin ni Willie na sa susunod na linggo makikita na ang billboard nila, pero ilang linggo na ang nakaraan, wala pa nga. Doon niya nalamang nakausap daw ni Kris si Ben. Pagkatapos ng pag-uusap na ‘yun, hindi na natuloy ang billboard ng dalawa. Ano ang kinalaman ni Kris diyan?

Sinagot naman ni Ben na walang ganu’ng pag-uusap sila ni Kris.

Nagpahayag na rin si Kris sa Twitter account niya na “she has nothing against Shalani” raw kaya wala raw katotohanan na ipinaharang niya ang billboard ng dalawa.

Sabi naman ni Ben, wala raw ganu’ng pangyayari. Tutuparin pa rin daw niya ang pangako niya kay Willie na bibigyan niya ito ng billboard at baka ngayong linggo na raw ito. Hindi pa lang daw niya nakita ang layout ng piniktoryal nila kaya titingnan pa raw niya.

Sige abangan natin iyan kung meron ngang mapapaskel na billboard nina Willie at Shalani.

Basta ako, reliable ang source ko sa kuwentong iyan kaya mabuti na rin ‘yung napag-usapan ang isyung iyan kaya nagulu-gulo sila. Tingnan natin kung itutuloy nila ang kontrobersiyal na billboard na iyan.

PARANG AT PEACE na nga si Gretchen Barretto ngayon, kaya safe na safe na ito sa mga sagot niya sa interview sa kanya sa launch ng bagong perfume niya sa Bench.

Mas gusto raw niyang tahimik na lang at wala na siyang kaaway sa dami raw ng blessings na natamo niya ngayong taong ito. Pati kay Claudine ay ayaw na niyang magsalita, dahil nirerespeto raw niya ang hiling ng kapatid niyang magkaroon ng katahimikan. Ibigay na raw natin kay Claudine ang katahimang iyan kaya mabuting hindi na raw siya magsalita.

Hindi na sinagot ni Gretchen ang pangungulit ng mga reporter kung nagkausap na ba sila ni Claudine. Basta ang gusto na lang daw niya, ang makipag-peace sa lahat, kasama na riyan siyempre ang kapatid niyang si Claudine.

Sinubukan din ng Startalk na hingan ng reaksiyon diyan si Claudine, pero tumanggi ito dahil ayaw na raw niyang pag-usapan ang ano mang mga isyung kinasangkutan niya. Mas gusto na nga nito ng katahimikan.
Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Gretchen Barretto, ingat na ingat masaktan si Claudine Barretto

Leave a Reply

Your email address will not be published.