Gretchen Barretto, idedemanda na rin ng mga magulang

Gretchen-Barretto Gretchen-Barretto2014 NA pero tuloy pa rin ang drama ng Pamilya Barretto, ha!

Kinumpirma ni Atty. Ferdie Topacio na desidido na raw ang mag-asawang Miguel at Inday Barretto na kasuhan ang anak nilang si Gretchen Barretto at baka kasama rin ‘yung isa pang anak nilang si JJ dahil sa pag-witness nila sa panig ni Raymart Santiago.

Mas lumala pa ang isyu nang magsalita si Gretchen na sinabi nitong papatayin daw sila ng daddy nila kung itutuloy nila ang pagtestigo sa panig ni Raymart.

Hay, naku! Ang malabo na yatang magkaayos ‘tong pamilyang ito. Kung matutuloy ang bagong demanda, mas magulo na ito lalo at hintayin na lang natin kung ano naman ang susunod na pasabog ni Gretchen. Tingin n’yo ba titigil pa ‘yan? Hay, naku!

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

2 thoughts on “Gretchen Barretto, idedemanda na rin ng mga magulang

Leave a Reply

Your email address will not be published.