Gretchen Barretto, house bus ang dala sa taping ng serye!

NAKAKAALIW PALANG katrabaho ‘tong si Gretchen Barretto, ‘no? No dull moment kami sa kanya nina John Estrada at Judy Ann Santos sa set ng Huwag Ka Lang Mawawala.
(Nga pala, si Gretchen ay si Atty. Eva na siyang tumutulong kay Aneeza (Judy Ann) para maisakatuparan ang mga balak nito sa pamilya ni Eros (Sam Milby).
Pati nga sina Direk Jerry Sineneng at iba pang staff ay aliw na aliw kay La Greta, eh. Although I’m sure, nag-e-expect kayo na ikukuwento namin dito kung ano ‘yung “ikinaaliw” namin kay Gretchen, pero off-the-record, eh. Hahahaha!
Juice ko, baka next time, hindi na magkuwento si Gretchen, mahirap na, ‘no! Basta ‘yun na lang paglalarawan namin kay Gretchen na nakaaaliw siya at very, very down-to-earth siya.
At siyempre, ikinabaliw rin namin ‘yung kanyang sasakyan na nag-occupy ng tatlong sasakyan. Isang house bus ang kanyang dala na kumpleto na ang lahat sa loob.
Kulang na lang ay pinturahan ‘yon ng G-Liner at bibiyahe na pa-probinsiya. Gano’n kalaki.
Niyaya pa nga kami ni Gretch na tumambay sa kanyang tent, eh. Kami na lang ang nahiya, dahil “ngangang-nganga” nga kami sa kanyang pagka-down-to-earth.
I love her na talaga, promise.

Oh My G!
by Ogie Diaz

loading...

2 thoughts on “Gretchen Barretto, house bus ang dala sa taping ng serye!

  1. we call it an “RV” or a “Motorhome”. Knowing her she probably own a  “Luxury RV”…. 
    back here people used RV’s for camping :)

Leave a Reply

Your email address will not be published.