Gretchen Barretto, gusto pang magpapayat – Cristy Fermin

HABANG SINUSULAT NAMIN ang kolum na ito ay ipinalalabas naman sa telebisyon ang ginagawang paghahanda sa kasalang Senador Mar Roxas-Korina Sanchez. Makalat pa sa harapan ng Sto. Domingo Church, marami pang pinagbalutan ng mga bulaklak, nandu’n din ang mga pinagtabasan ng iba’t ibang halaman kung saan abalang ikinakabit ng mga kalalakihan ang maraming bulaklak na puro puti lang ang kulay.

Nakarolyo pa ang red carpet na lalakaran ni Korina sa labas ng simbahan, kung gaano kahaba ang lalakaran niya sa loob ng simbahan ay ganu’n din sa labas, may mga ikinakabit na ring video wall sa harapan at tagiliran ng simabahan para mapanood ng mga nakamasid sa labas ang nagaganap sa loob.

[ad#post-ad-box]

Dalawang libo ang inaasahang dadalo sa kasalan, ang kapatid na lalaki ni Korina ang maghahatid sa kanya sa altar, dahil ulilang-lubos na siya.

‘Yun ang nagiging dahilan ng pagiging emosyonal ng palabang news anchor, hindi man lang kasi nasaksihan ng parents niya ang kanyang pagpapakasal, halos magkasunod na pumanaw ang mga magulang ni Korina.

Kung maliit lang ang pamilya ng bride ay napakalaki naman ng angkan ni Senador Mar Roxas, napakarami pa nilang kaibigan, kaya asahan nang mapupuno talaga ang Sto. Domingo Church sa kanilang pag-iisang-dibdib.

Pagkatapos ng kasalan ay kani-kanyang uwian na ang kanilang mga bisita dahil kinansela na nila ang reception para sa kanilang kasal.

MAS GUSTO NG marami ang kasalukuyang timbang ni Gretchen Barretto. Medyo may laman-laman na ang kanyang mga pisngi ngayon, hindi tulad noon na parang anorexic ang dating niya.

Hindi na rin gaanong pansin ang mga buto niya sa leeg, malaki ang nadagdag sa kanyang timbang, mas bagay sa aktres ang ganu’ng itsura niya.

Pero ayon kay Gretchen ay gusto pa raw niyang mag-diet, malaki raw ang itinaba niya, malapit na kasi siyang magbalik-telebisyon at maraming nagsasabi na ten pounds ang nadadagdag sa timbang ng personalidad sa TV.

Ewan naman kung meron pa siyang taba na kailangang tanggalin, halos puro buto na nga siya, pero magda-diet pa rin si Gretchen?

Medyo absent ngayon ang aktres sa kontrobersiya, tahimik ang kanyang buhay ngayon, wala na naman siyang palaging bukambibig ngayon kundi si Tony “Boy” Cojuangco.

Hindi sanay ang publiko sa kanyang pananahimik, hinahanap-hanap ng marami ang pag-iingay ni Gretchen, maraming naiinis sa kanya kapag nasasangkot siya sa iskandalo pero parang hindi kumpleto ang mundo ng showbiz kapag walang kuwentong-Gretchen Barretto.

Pero kayang-kaya niyang maging headline ng mga pahayagan, kapag type niyang maging sentro ng usap-usapan, magsalita lang siya laban sa isang personalidad ay siguradong in na naman siya.

Hintayin na lang natin ang kanyang pagbabalik-TV, kapag malapit na ‘yun ay siguradong may mapag-uusapan tungkol kay Gretchen, bahagi ‘yun ng promo sa bansang ito.

Puwedeng meron siyang makaengkuwentro ng salitaan, puwede ring magkaroon siya ng bagong karelasyon na may pictorial pa, hindi na kailangan pang magkaroon ng PRO ni Gretchen dahil alam niya mismo kung paano iingay ang kanyang pangalan.

Magbilang na lang tayo ng mga araw mula ngayon.

Cristy Per Minute
by Cristy Fermin

loading...

6 thoughts on “Gretchen Barretto, gusto pang magpapayat – Cristy Fermin

  1. pangik!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! mukhang pera!!!!!!!!!!!!!!!!! paREHO KAYO NI GRETCHEN MGA BUSABOS NA TAO!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!!! LITSE KA CRISTY !!!! GRETCHEN SOCIAL NA PROSTITUTE!!!!!!!!!!!!!!!!!!

  2. hindi na kailangan pang magkaroon ng PRO ni Gretchen dahil alam niya mismo kung paano iingay ang kanyang pangalan. — ay naku inday peramin maraming artista ang gimikera di lang si la greta! diba angel laosin? diba jennylyn mercado?

  3. mas maganda na magsulat ka na lang ng tungkol sa bossing mong si willie para nababalahura ng husto ang pagkatao mo, gagah ka!

  4. walang kwenta naman ung article nitong pangit na toh. inaantay ka na ni boss willie mo. himurin mo na raw ung pwet nya kasi bagong tae sya.

Leave a Reply

Your email address will not be published.