Gretchen Barretto, good girl na raw!

AGAD NILINAW NI Derek Ramsay na walang katotohanan ang balitang hiwalay na sila ni Angelica Panganiban. Maging sa The Buzz last Sunday, nagbigay siya ng pahayag tungkol sa issue. “All relationships have problems and Angel and I have some problem. Not third party, not ‘yung pagseselos, not anything like that!”

Nakapag-usap naman sila ni Angel at naging maayos naman ang lahat. “We decided to take some time off to fix everything we’re going through and we did. We sat down, tinawagan ko siya, like it’s a two-minute conversation.”

Pinabulaanan ni Derek na super selosa ang kanyang girlfriend. “Iyakin si Angel, hindi siya selosa,” aniya.

Nand’yang may bagong babae raw ang macho actor na kasama sa Cebu during the Sinulog Festival. “Alam ni Angel ang tungkol d’yan. Sometimes fans ask me, ‘puwedeng magpa-picture na hinahalikan mo ako?’ Me naman, I’ll do it because it’s harmless. Don’t make damay innocent persons,” paliwanag niya.

Oo nga’t hindi selosa si Angel kaya dinadaan na lang niya sa pag-iyak ang kirot na nararamdaman niya sa kanyang dibdib. Hindi naman siguro bato ang puso ng dalaga para hindi maapektuhan sa mga babaeng inili-link sa kanyang boyfriend.

May issue pang ikinakabit ang pangalan ni Derek sa isang hindi kilalang member ng isang noontime show dance troop na binigyan niya diumano ng diamond ring. “’Yung diamond ring, I don’t know kung saan nanggagaling na may ibinigay raw akong diamond ring. I haven’t given anyone diamond ring…” depensang sabi ng actor.

Maugong din ang balitang muling nakipagkita si Derek sa ex-girlfriend niyang modelo. “That’s the icing on the cake, I thought the diamond ring’s the funniest, pero I haven’t seen Solenn (Housaff) for in… how long? Siguro, kung communication wise, a text or two, but it’s like months.”

May issue hindi pa rin daw na ‘di tanggap si Angelica ng parents ni Derek. “Hindi makikipagplastikan ang pamilya ko sa isang tao na hindi nila gusto. If that’s the case, please leave my family out of it. My family, they’re really honest and good people.”

Para kay Derek, normal lang daw sa isang relationship na magkaroon ng tampuhan. “This is not gonna be the last problem or the last test that Angel and I are gonna encounter. There gonna be many more and hopefully we tackle it the same way we’ve done in the past problems that we had. But right now, we clarrified everything, we’re okey doing well…”

LAST WEDNESDAY, PUMIRMA si Gretchen Barretto ng project/contract sa ABS-CBN. Super excited ang singer/actress sa bago niyang teleserye with Bea Alonzo at Derek Ramsay. Sa The Buzz last Sunday, guest si Greta nina Kris Aquino at Boy Abunda.

Hindi ba naging hadlang si Tony Boy Cojuangco para ipagpatuloy ni Gretchen ang kanyang showbiz career? “Sabi ko kay Tony, I’m gonna have a career. Ha-Ha-Ha! That means, wala na akong panahon sa mga kalokohan. Sabi niya, ‘Lover, go ahead…’ Pinagbabawal lang niya ay huwag ko raw gastusin ‘yung aking talent fee. Sabi ko, mayroon bang restriction? Sabi niya, ‘Go for it, give it all, give your best!”

Sinabi rin ni Gretchen na hindi pa raw nila napag-uusapan ni Tony Boy kung papayag itong makipag-kissing scene or bed scene siya with Derek. “At saka, alam naman ni Tony na ano lang ‘yun… siya pa rin ang binabalikan ko. Good girl na ako, hanggang tingin na lang. Kunwari, nagki-kissing na kami sa tingin lang. Ha-Ha-Ha!”

Napansin ni Kris ang magandang aura ngayon ni Gretchen nang hapon ‘yun habang nakikipagkuwentuhan sa kanila ni Kuya Boy. Tahimik na raw ang buhay niya ngayon at palagi siyang nagdarasal. Well, natagpuan na kaya niya ang tunay na katahimikan at magpapaligaya sa kanya?

AYAW Paawat!
by Eddie Littlefield

loading...

9 thoughts on “Gretchen Barretto, good girl na raw!

  1. Sinabi mo pa.Sana may magpayo kay Gretchen na huwag siyang ma addict sa retoke kasi pag nakatalikod siya pinagtatawanan ang bago niyang malagim na anyo.

  2. KAHIT NA GAANO KAYAMAN SI GREATA KUNG GINAMIT NAMAN ANG PERA PARA MAGMUKHANG IBANG PLANETA.GRETA GAMITIN MO ANG PERA MO AT IDIMANDA MO ANG NAGRETOKE SA IYONG DOCTOR.ANG PANGIT E NAGMUKHA KANG SI BELLA FLORES.MAGANDA KA NAMAN DAPAT DI MO PINAGALAW MUKHA MO.TIGNAN MO ANG MGA PICTURES MO NGAYON NG MATAUHAN KA GIRL.

  3. MAY GOOD GIRL BANG MUKHANG GURANG NA MANGKUKULAM DAHIL SA DAMI NG PLASTIC SURGERY O RETOKE.PUMANGIT SI GRETCHEN NG 100 BESES.WAG NINYONG IKAILA.

  4. Kunng si Kris nga at si Greta ang sa The Buzz, mas interesting, kasi di yata mababara si Greta. Mas marami ang manonood, at tingnan natin kung pasasaan ang atitude ni Kris. Ang maganda sa kanya, ” she knows how to talk her way out of a mess, e.g ang nakuha niyang STD kay Joey M. Still, naiintindihan siya nang tao, dahil nga her “Gift of the Gab”. Humingi nga siya namg sori kay Ruffa, pero hindi personally. Tsaka and mga Kris fans diyan, aminin nyo na, mataray siya, pati si Tito Boy nga tinatarayan niya, kaya lang, binabalewala lang ni Tito Boy. Please lang sa lahat wag tayong mandamay nang pamilya ni Kris o ni Ruffa, ibase nyo lang sa past Buzz episode kung meron bang basehan para mapuno si Ruffa. Ganon lang yon. Ang iba kasing mga fans and tatanga. Stick to the facts lang tayo PLEASE

  5. Greta, bakit di ka na lang tumao ng tindahan niyo dati sa Iloilo? At isuot ang uniporme mo sa Sagrada de Jesus high school? larawan ka pa noon ng isang simpleng kabataan. Ngayon allergic ka na sa bulaklak, kailangan mo na mag alcohol after makipagkamay. Hay buhay! Ganyan yata ang mayamang nanggaling sa mahirap (not all) Trying hard mapabilang…tsk tsk. Dahan dahan at baka malakas ang lagapak.

  6. Greta will be a good replacement for Ruffa. Makakakita na so kris nang katapat. pero, puwede ring baguhin ang format nang The Buzz at gawing disente at ilagay si Toni G na kapalit ni Ruffa. Kapag binara bara pa siya ni Kris, halata na na inggit si Kris Aquino sa mas magaling sa kanya.

  7. Ang taong biglang yaman at saksakan ng pagka-materialistic ay di na magbabago unless may isang napakatinding pangyayari sa kanyang buhay na magpapa-bago sa outlook niya. Lalo na ang katulad ng isang ito na malandi at mukhang walang pinagkatandaan. Bulag na bulag kasi sa pera at materyal na bagay kaya mahirap paniwalaan na nagbago na siya. Day, kuwarenta ka na, kaya dapat lang umayos ka na, di ka na teenager. Grow up!

  8. anong pakialam namin kung good girl kana kahit kailan hindi kana magbabago ganoon kapa rin mahilig sa lalake.akala mo nakakatuwaka oy hindi no kaya wag kang mayabang masyado.

Leave a Reply

Your email address will not be published.