Gretchen Barretto doesn’t want anybody to be with her on a magazine cover

COULD IT BE true na hindi type ni Gret-chen Barretto na may kasama sa cover ng kahit na anong magazine?

We’re asking this kasi nabalitaan namin na may policy raw itong si La Greta na kung kukunin siya bilang cover ay kailangan ay solo lang siya. She seems not ready to share a frame with anyone else.

May isa raw magazine na may concept of beauty para sa tatlong prettiest showbiz girls na mala-classic na ang beauty. At isa nga roon si Gretchen.

Pero tumanggi raw ang kampo ni La Greta. She wants to be alone on the cover. Taray, ‘no!

Anyway, since siya ang pinakamaganda at pinakasikat, the magazine raw was left with no choice kundi tsugihin na lang ang dalawa niyang makakasama. Kaya, wagi ang beauty ni La Greta.

Ang isa sa nabanggit sa aming makakasama ni Gretchen ay isang retired actress na maganda pa rin naman. May dugo siyang banyaga at may dyowang foreigner, sa aming pagkakaalam, ha? The other one naman ay hindi na sinabi sa amin kung sino.

Kung totoo na gusto ni Gretchen na solo lang siya sa cover, aba, feeling big star pa rin pala ang kanyang drama.

 

KILALA RIN SI Joel Cruz sa kanyang eleganteng pananamit na bagay na bagay sa kanyang fashion business na going full blast na ngayon.

Nag-pictorial si Joel para sa kanyang Aficionado fashion and scents store sa Farmer’s Plaza recently. At siyempre, nahingan siya ng konting comment about fashion.

“One thing good in our fashion now, ang damit ng mga lalaki ngayon masyadong fashionista. Kahit na ginagamit natin mga telang pambabae lang dati ginagamit na ngayon ng mga lalaki. And the design and style, ginagamit na rin. Before ang cut ng polo straight lang ‘yan. Nakita mo ang mga polo ngayon, may tops na, may shapes na. Noon pagka-tailoring, no. Ngayon nire-reveal na nila ang katawan nila, sexy sila, wala si-lang tiyan, may abs,” esplika ni Joel.

Ang nakakatuwa kay Joel, aminado siyang fan siya ng international designers.

“Andoon pa rin ‘yung colonial mentality ko,” aniya. “Pero in fairness sa mga Pilipino, marami pa ring mga magagaling na designers.”

When asked kung sinong local fashion designers ang pina-patronize niya, Joel rattled off a few names, namely, Goulee Gorospe, Erick Pineda, JC Buendia and Puey Quinones.

“Si JC Buendia ‘pag mga suot and coat ang ganda ng fitting. Goulee Gorospe kapag gusto ko ng sophisticated na mga damit na may mga beadwork. Pero kaya niyang gawin na panlalaki. Puey Quinones naman, mala-Japanese ang dating. Erick Pineda, more on custume.”

 

ISA SA ATTRACTIONS sa bagong show ni Kris Aquino ang pagpapakita ng bahay ng mga celebrities. Lately nga ay na-feature niya ang pabolosang balaysung nina Pokwang at  Angel Locsin.

Nakakatawa nga si Angel dahil hindi pala niya napanood ang episode niya. Pero nagpasalamat siya kay Kris dahil sa regalong ibinigay nito sa kanya as a token of appreciation.

Malaking challenge marahil kay Kris kung mapapapayag niyang i-feature ang bahay ni Angelica Panganiban.

Nasabi namin ito kasi may nagtanong kay Angelica sa Twitter recently kung bakit hindi niya nakikita ang bahay ng aktres sa anumang magazine.

“Hindi ako pumapayag mag pa televise ng bahay :) yun na lang ang tanging private sa aming mga artista :),” sagot ni Angelica sa Twitter.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

Related Post

loading...

19 thoughts on “Gretchen Barretto doesn’t want anybody to be with her on a magazine cover

  1. sabihin mo hindi talaga papayag yang ANGELICA PANGANIBAN na yan na ipakita yung bahay na tinitirhan niya kasi NAKIKI-LIVE IN lang siya kay derek sa bahay ni derek sa LA POSADAS subdivision! matagal na kaya silang nag lilive – in noh!!!  at ang totoong bahay nila ng nanay nya ay nasa TONDO. alangan naman yun ang ipakita niya eh ang pangit ng bahay at surroundings nila! hahahahaha

  2. joniva01..hindi ko feel ang sinabi mo na “walang bahay si AP”..may point nga namn si ms. celebrity, her life is an open book..bahay na nga lang to keep a little privacy..pagkakait pa!..wag mo ng lagyan ng issue yung pagtanggi nya..pak!

  3. joel cruz?..akala ko puro perfumes lang ang alam nya…lumelevel rin pala sya kay JC buendia..good LUCK sa kanyang career…

  4. justin..pano mo nasabi na walang K si la greta ehh sya nga ang nasunod na magsolo sa cover..yun ba ang walang K?.. wala talagang kupas ang ganda nya dahil at her age, pang magazine cover pa rin sya…

  5. sobrang taas ng ere nitong c gretchen lalo p cguro kong legal n ang kasal nl n tony c. BAKA TILUNIN P NY C IMELDA MARCOS, kc akala mo c greta kong umasta pinanganak ciyang bilyonarya, parang akala mo c lady diana kong maka asta. gusto ko cy non hindi p pinaayos ang mukha super ganda ngayon nawala n yong dating ganda. bawas bawasan n greta ang sobrang kayabangan para lalo cyang mahalin ng tao.

  6. hahahaha para wala nga naman makaalam na cheap na deaodorant na gamit niya dahil wala na siyang mayaman na papa. hahahaha kalokang gretchen, may mga sapak na yata sila mga magkakapatid at ngayon na naglalabasan mga symptoms nila.

    ang disgrasyadang marjorie, pinakasalan o nagpakasal kay padilla para masalba delikdesa niya. pero ano? lumandi ang hitad at nilayasan si padilla at sa ibang lalaki nagpakangkung.
    mga ksp talaga mga barretto pwotang sisters!!!!

  7. Eh di, solohin niya. Wala ring bibili para solo talaga niya. Let’s not rain on her parade.

  8. Pag di tumigil sina Gretchen, Ruffa, Pops and Jinkee sa Ka-bobotox, pagdating nila ng 50, kamukha na nila si Vicky Belo at pag-edad nila ng  60. Madam Auring na mga histura nila.

  9. Sayang at talagang malaking pagka sayang ang kagandahan na pinagkaloob sa iyo ng diyos. tsk..tsk… nagpadagdag ng laman sa cheekbones para me umbok at nasobrahan sa BOTOX. ang pangit na ni greta sayang talaga.Si Jinkee pacquiao naman konting-konti na lang kamukha na ni vicki belo.Si ruffa rin nasobrahan na rin sa botox ang isang yun pag walang make -up hawig na rin ni vicki belo…

Leave a Reply

Your email address will not be published.