Gretchen Barretto-Claudine Barretto war, ‘di pa rin humuhupa

IMBES NA mapaghilom ang sugat at maayos ang problema ng kanilang pamilya, mukhang lalo pa itong lumala kung ang pagbabasehan ay ang reaksyon ni Gretchen Baretto nang kumustahin at tanungin siya tungkol sa sitwasyon sa ngayon ng kapatid na si Claudine Barretto sa nakaraang Cinemelaya  Independent Film Festival Award’s Night.

Nakarating sa amin na nagtaray ang aktres at sumagot ito na ano raw ang pakialam ng media at ng ibang tao sa pamilya niya? Kung matatandaan daw ay tinakwil na siya ng pamilya Barretto. Wala na siyang karapatang tanungin tungkol dito, at kung may tintuturing man siyang pamilya, ito ay ang live-in partner na si Mr. Tony Boy Cojuangco at ang anak na si Dominique.

Lalong nadagdagan naman ang iritasyon at pagkapika ni Gretchen nang tanungin ito kung ano ang panalangin niya para sa kanyang pamilya at para kina Claudine at  Raymart. Dito lalong nagtaray si Gretchen na ang media ba ang Diyos at kinakailangan niyang sabihin kung anuman ang dinarasal niya? Dagdag na pahayag din ng aktres, sana ay matuto namang magbigay ng respeto ang ibang tao dahil ‘di naging madali sa kanya ang pinagdadaanan niya, kung saan napakasakit na kuwestyunin ang kredibilidad at insultuhin ang pagkatao niya.

Nagbigay pa ng suhestiyon si Gretchen na si Claudine ang dapat tanungin at hindi siya dahil ‘di naman siya ang nagtatago.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

4 thoughts on “Gretchen Barretto-Claudine Barretto war, ‘di pa rin humuhupa

  1. Its like you read my mind! You seem to know a lot about this, like you wrote the book in it or something. I think that you could do with some pics to drive the message home a bit, but instead of that, this is fantastic blog. A fantastic read. I’ll certainly be back.

  2. ha! ha! ha! ha1 ha! ha! ha! ha! nakakaaliw nakakwal ng stress daming nakawala sa mental  iisa lang to! uanguna day  bakit dito ka nagprpomote ng kung ano ano  mas maraming mahirpa dito susme pamigay mo nalng yan bakit hind mo ibenta sa mga ayala, cojuangco. soriano tan,   gokongwei,  kaloka  nagbbenta ka  dito??????????  kaloka class na class ka teh!  dito talga  louie vitton kaloka channel bags, dito ka magprpromote ha! ha! ha! ha! ha! ha! ha@ sure  iskuwater ka kaloka pero nakaktuwa ka  kaya lang tanga lang manniwala sayo!  kaloka!  sa laht ng mayaman dito kapa nagpunta ha! ha! ha! ha! ha! ha! ha! ha1 siguro para maiba nman. ok lang yan!

  3. Magkapatid cla dpt magdamayan pagdating sa gnyn problema…kaso prang pareho yta cla ng sakit kya di nga cla magkakasundo…c nkababatang kapatid dumaan sa depression dahil cguro sa dami nyng mga ginawang mali sa buhay at indi na sikat katulad ng dati…napagod nrin asawa nya sa kakaintindi sa knya ayn sumuko na..

Leave a Reply

Your email address will not be published.