Gretchen Barretto, boto kay Enchong Dee para sa anak na si Dominique

SA KATATAPOS na 2013 Star Magic Ball na ginanap noong Sabado ng gabi, September 7, sa Fairmont Hotel sa Makati, isang masayahin, good mood at kalmanteng Gretchen Barretto ang humarap sa media taliwas sa huling pagkakataon na na-interview siya sa Cinemalaya Award’s Night, kung saan nagtaray at maangahang ang mga binitawang salita ng aktres sa media nang tanungin ito tungkol sa away nilang magkakapatid.

Ayon sa aktres, posiitbo na ang perspektibo niya sa buhay sa ngayon dahil sa pagmamahal na nararamdaman niya sa mga tao sa paligid niya, marami siyang mga kaibigan at trabaho. At para kay Gretchen, sa dami ng mga masasakit na pinagdaanan niya na nalagpasan niya. At ngayon nga, pakiramdam niya ay vindicated siya. Sapat na ang mga ito para maging masaya siya.

Nang tanungin namin kung napatawad na ba niya ang mga taong sobrang nakasakit sa kanya, makahulugan ang naging sagot sa amin ni Gretchen, na kung ang Diyos nga nakakapagpatawad ay sino siya para ‘di magawa ito?

Bugbog-sarado rin sa mga katakut-takot na pamba-bash mula, para kay Gertchen ay ‘di siya galit sa mga basher dahil bahagi ito ng buhay nilang mga artista at kung walang nagba-bash sa iyo ay nangangahulugan lang na ‘di ka na importante sa publiko.

Dinedepensahan din ang mga mahal sa buhay na paborito ring i-bash ng maraming tao, ipinaliwanag ni Gretchen na ‘pag mo mahal ang tao, natural lang na depensahan mo. Pero hinahayaan pa rin niya ang mga ito na idepensa ang kanilang mga sarili, kahit pa nga ang anak na si Dominique na 18 anyos na ngayon at nasa tamang edad na.

Hiningan ng reaksyon sa pagtatanggol din sa bayaw na si Raymart Santiago sa kaso nito laban sa kapatid na si Claudine Barretto, umiwas namang magbigay ng komento tungkol dito ang aktres at sinabi na may tamang oras at lugar para pag-usapan ito.

Kapareha ni Enchong Dee ang anak na si Dominique sa Star Magic Ball, kung saan sobrang nagpapasalamat ang aktor dahil pinayagan nito ang anak kahit short notice lang ang nagawa niyang pagpapaalam.

Nakilala ni Gretchen si Enchong dahil nagkasama sila sa Magkaribal at sinabi niya sa anak na mabait at matalino ang aktor at masarap kausap. Tinanong namin kung boto ba siya kay Enchong kung saka-sakaling manligaw ito kay Dominique, siniguro sa amin ni Gretchen na ‘di siya tututol at alam niya na matalino ang anak at gina-guide nila itong dalawa ni Tony Boy.

Aalis ng bansa patungong London para samahan ang anak na si Dominique, pero babalik-balik ng bansa si Gretchen para sa ilang showbiz commitments.

 

NA-INTERVIEW RIN namin ang mag-asawang Kristine Hermosa at Oyo Sotto sa Star Magic Ball.

Sa panayam namin kay Kristine, sinabi nito na bukas siyang magbalik-showbiz muli at may ilang nilalatag sa kanyang proyekto, pero wala siyang magustuhan sa  mga ito.

Tinanong naman namin si Oyo sa lumabas na balitang magpapakasal na raw ang amang si Vic Sotto sa kasintahan nitong si Pauleen Luna, hindi alam ng aktor ang tungkol sa isyu. Pero siniguro naman niya sa amin na kung saan liligaya ang ama ay ‘di siya tututol.

Maiba Lang
By MELBA R. LLANERA

loading...

6 thoughts on “Gretchen Barretto, boto kay Enchong Dee para sa anak na si Dominique

  1. …dapat si Gretchen ang magpunta sa Medical City…kung hihingi siya ng kapatawaran sa magulang nya at kay Claudine na nakakabata nyang kapatid baka sakaling hindi siya mapunta sa impyerno…Imagine mo, kapatid nya siniraan nya sa tabloid…kahit siguro gaano kasama ang nagawang kasalanan sa’yo ng kapatid mo, kapatid mo pa rin yun, girl! Me pera ka lang ngayon pero hindi mo yan madadala sa kabilang buhay tandaan mo yan!…Huwag kang mayabang!

  2. napanood ko ang movie na Diplomat Hotel ni Gretchen. Ano ba yun, iisa ang expression ng mukha niya. hindi mo alam kung dilat na dilat siya o nagpapakita ng takot sa eksena. hindi gumagalaw ang mga muscles sa face niya. inoperahan ba yun?

Leave a Reply

Your email address will not be published.