Gretchen Barretto, balik sa pagiging bad girl?!

OLA CHIKKA! UMIINIT na nga ang iringan sa pagitan nitong dalawang bida ng teleserye ng Dos na sina Gretchen Barretto at Angelica Panganiban dahil nga rito sa napakaguwapong si Derek Ramsay.

Hay, naku! Wala naman talaga sigurong hindi maakit dito kay Derek dahil katawan pa lang ay ulam na. Kaya hindi ko rin masisisi itong si Greta, ‘di ba?

Nagsimula ang isyu nang magbitaw ng salita si Greta sa isang interview na padalhan na lamang siya ni Derek ng solo pictures niya sa kanyang pagbabakasyon. At siyempre bilang girlfriend ni Derek, ano kaya ang naiisip n’yong mararam-daman nitong si Angelica? Siyempre nakaka-offend, ‘di ba?

Kaya nang mag-post itong sa Twitter si Angelica ng, “Single ka teh?!” hindi mai-wasan ng marami na para iyon kay Greta. Kaya nu’ng tanungin siya ay bahala na raw ang mga taong mag-isip kung sino man ‘yun.

Ibang-iba ang aura ni Angel sa interview na iyon, parang hindi na ako sanay na nakikita siyang ganu’n kaseryoso at mukhang talagang affected siya sa isyung ito.

Nang tanungin naman namin si Greta kung ano ang masasabi niya tungkol dito, dinaan na lamang niya sa biro at ibinato ang kanyang linyang “You want war, I’ll give you war. I’ll be there in my red stilettos.”

Taray! Ang guwapo talaga ni Papa Derek! Eh, ano naman kaya ang masasabi ng partner nitong si Greta na si Tony Boy Cojuangco na kung saan nakapag-promise na siyang magpapaka- good girl na siya? Ayun! No comment lang! Ha-ha!

Hmmm… ano na kaya ang mga susunod na kabanata rito sa iringan ng dalawang naggagandahang bida ng Dos?! So exciting!

KUNG NAGSISIMULA PA lang ang eksena rito kay Greta at Angelica, hindi naman matapus-tapos ang isyu tungkol sa pagiging pabayang ama nitong si Coco Martin sa anak nila ni Katherine Luna. Kung sa pagiging actor, wala raw talagang masasabi kay Coco dahil napakahusay at napakabait pa. Ngunit pagdating sa pagiging ama, napaka-walang kuwenta raw niya.

Eh, kung totoo nga ang balitang iyon, hindi lang si Coco ang walang kuwentang magulang, kundi maging si Katherine ay hindi rin naging mabuting ina. Kung kani-kaninong lalaki na siya sumama, tapos ngayon ipagdidiinan niyang si Coco ang may kasalanan?!

Minsan nang nasabi ni Coco na walang siyang nararamdamang lukso ng dugo sa bata ngunit mukhang unfair naman iyon sa walang kamuwang-muwang niyang anak kung totoong siya nga ang ama nito. Kaya maipapayo ko lang sa iyo Coco,kung nagdududa ka sa bata ay magpa-DNA test na lang kayo para matapos na isyung ito, hindi lamang sa career mo, kundi maging sa personal mong pag-aalinlangan. ‘Di ba?!

BLIND-ITEM: PITIK-BULAG! Sino siya?! Sino itong comedienne na matagal nang napapabalitang napakadumi sa katawan dahil sa hindi kanais-nais niyang amoy? Tama! Napakabaho raw nito, hindi lang paa, kundi maging ang kanyang hininga! Kung gaano kasarap kainin ang name niya eh, ganu’n naman nakakawalang gana ang amoy niya. Idagdag mo pa ang hitsura… Ha-ha!

Kung makapagsalita ako, akala mo, diyosa ako ng kagandahan! Hindi naman, at least ako kahit kabayotic beauty eh, mabango naman! Peace!

Sino itong comedienne na mayroong hindi kagandahang amoy?! Kailangan n’yo pa ba ng clue eh, given na! ‘Yun na!

AT HUWAG N’YO pong kalimutan ang aking OLA CHIKKA PRODUCTIONS para sa advertisement, guesting, exposure, shows at everything regarding entertainment. For inquiries just call us at 417 6181 at 0927 428 4216. Nais ko lamang pong linawin na hindi ko po personal numbers ang mga iyan. Lahat ng iyan ay office numbers kaya para sa mga updates sa akin at comments, maaari po kayong mag-send sa akin ng e-mail sa [email protected]. Maraming salamat po and God bless us all!

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articlePara maharang si Ara Mina: Aiko Melendez, lantarang sinuportahan si Alfred Vargas sa pagka-konsehal?!
Next articleGabby Concepcion, nainis sa pagkaka-link kay Sara Aldana!

No posts to display