Gretchen Barretto, ayaw makialam sa problema ni Claudine Barretto!

BONGGA ANG ENTRANCE ni Gretchen Barretto sa 25th Star Awards for TV dahil maghaha-tinggabi na siya nang dumating sa Newport Performing Arts Center ng Resorts World. Wala nang masyadong tao sa red carpet kaya naman nakaporma ang mga TV crew at naging maayos ang interview sa kanya.

Excited na raw talaga siya na mag-taping para sa teleser-yeng Alta ng Dos, dahil muli na namang mabubuhay sa ibang character ang napakasosyal na karakter niya sa Magkaribal, ang seryeng pinagsamahan nila noon ni Bea Alonzo. Inusisa din namin siya kung ano ang masasabi niya sa isyu nina Claudine Barretto at Raymart Santiago, pero ayon sa kanya, nagkakausap naman daw sila ng kapatid. At kung meron mang problema, ayaw rin niyang makialam. Adult na raw si Clau at kaya na nito, if ever meron ngang problema sila ni Raymart. Ayaw na rin daw niyang magbigay ng mga unsolicited advice. She’s living na raw in a quite and peaceful life. Naging religious na raw talaga siya ngayon.

Anyway, congrats sa kanya dahil nakuha niya ang Best Drama Actress award para sa Magkaribal ng ABS-CBN!

 

NAKAKALOKA ANG HABULAN namin ni KC Concepcion kasama ang ilang TV crew at print media noong nakaraang Martes sa World Food Program at Julie’s Bakeshop event dahil muntik na kaming matakasan ni KC.

Pagkatapos kasi ng kanyang speech, sandaling nagpahinga lang ito sa kanyang upuan at kunwari ay magre-restroom lang. Pero dahil nga dama na naming aalis na ito, sinundan na namin ang dalaga. Naabutan namin ito bago pa sumakay ng elevator at dito ay inusisa namin siya tungkol sa napipintong pagpirma ni Sharon Cuneta sa TV5. Sabi niya, wala pa raw sinabi ang kanyang mommy sa kanya, pero kung saan daw ito masaya ay happy na rin siya for her.

Habang naglalakad papuntang elevator ay nakakapagbato kami ng ilang katanungan, ngunit ayaw nang sumagot ni KC hanggang sa pumasok na ito ng elevator kasama ang kanyang handler. Dahil sa pagpursige naming makakuha ng kahit maiksing sagot, isiniksik namin ang sarili namin sa elevator at naka-smile pa rin ang dalaga habang kami ay pasimpleng nanghingi ng maiksing comment sa kanya tungkol sa kalagayan ng kanyang puso.

Sabi nito, “Malalaman n’yo rin sa takdang panahon.” Maiksi man, makahulugan pa rin ang binitawang salita ni KC.

Kinagabihan, naloka kami sa aming nasaksihan dahil sa unang bahagi ng Star Awards, host si Piolo kasama si Shamcey at nagkataon namang nakuha ng The Buzz ang award bilang Best Showbiz Talkshow. Umakyat si Boy Abunda, KC Concepcion at Toni Gonzaga sa stage. Halatang deadma lang sila sa isa’t isa.

Hay, ano ba talaga ate at kuya ang real score sa inyong dalawa?

 

KAHIT PAPAANO, MAY alam na rin kami noon pa man na kumpirmado na nga ang paglipat ng Megastar na si Sharon Cuneta sa Kapatid Network. Bilang bahagi ng TV5 as talent, kailangan naming sarilinin na lamang ang impormasyon hangga’t wala pang go signal ang pamunuan na puwede nang kumpirmahin sa publiko na finally, nasa Singko na si Sharon.

At noong nakaraang Martes nga, November 22, pormal nang pumirma ng 5-year exclusive contract sa TV5 ang Megastar. Nakatakda siyang gumawa ng daily at reality shows sa istasyon pati pelikula sa sister company ng TV5, ang Studio5.

Marami pang dapat abangan sa Megastar at ang pinakamasaya sa lahat, nasa iisang bakuran na ang dating magka-loveteam na sina Mega at Gabby Concepcion.

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

6 thoughts on “Gretchen Barretto, ayaw makialam sa problema ni Claudine Barretto!

  1. To Claudine Barretto: Focus on God and everything will fall into place. You have a
    God-given talent in acting … make the most of it. You have a multitude of fans who admire your competence in acting; thank God for your talent and your fans, and strive to be pleasing to Him. Your supporters will appreciate you even more.

  2. laikabaito1227 ang sama naman ng panalangin mo sa kapwa mo…baka bumalik sa yo yan!…dahan dahan ka…ang challenge ko sa kapwa ko magtapos ng pag aaral, masama ba yun?

  3. kakasawa itong mga artistang ito!…kakasikip pa sa balita. ..ano naman ang maitutulong sa problema ng bansa ng mga taong ito???mga pilipino talaga kayang kayang paikutin sa balita ng mga artista..ang babaw!!!! MGA KABABAYAN, MAS MARAMING BAGAY NA KAPAKIPAKINABANG ANG DAPAT PAG TUUNAN NG PANSIN AT PAGKAABALAHAN NG PANAHON!! HOY MGA ARTISTANG BOBO, MAGTAPOS MUNA KAYO NG KOLEHIYO NANG DI KAYO NILALAIT!… ITO PA ANG ISANG NAKAKAYAMOT! ISANG TAO ANG TALENT FEE DAW AY ISANG BILLION PESO SA LOOBAN NG 5 TAON…WALA BANG KAPANTAY ANG TALENT NG TAONG ITO???GAANO BA KATAAS ANG PINAG ARALAN NITO???NAGBABAYAD BA NG TAMANG BUWIS ITO? EH ANO KUNG LUMIPAT NG TV STATION?,,NAGPAPALIT-PALIT NGA NG ASAWA YAN EH, YUN PANG EMPLOYER ANG DI NYAN PALITAN!!!! ITO PA ANG ISANG NAKAKAPIKON SA TV…YUNG PBB, GINAYA LANG SA IBANG BANSA, ANG CORNY!!! DI NYO BA KAYANG MAG IISIP NG ORIHINAL NA PROGRAMA NA MAKAKATULONG PARA MAITAAS ANG MORALIDAD NG LIPUNAN???GAYA! GAYA!!!GAYA…GAYA! GAYA…LAHAT NA LANG GINAYA….LAHAT NG TV STATION AY MAY PALABAS NA GINAYA SA IBANG BANSA,,,….GAYA…GAYA…GAYA…GAYA…GAYA….PATI MGA TV HOST SA MGA SHOWS, WALANG KREDIBILIDAD, BASTA MARUNONG LANG SUMIGAW AT SUMAYAW KASAMA NG ISA O DALAWANG BADING OK NA!!!! YAN ANG ENTERTAINMENT DITO SA PILIPINAS!!!LAHAT NG SHOW SA TV STATION HINDI MAWAWALAN NG BADING!!!! NAGTITIYAGA NA LANG AKO SA RHTV, INFORMATIVE PA AT HOME-FRIENDLY….GAYA..GAYA….GAYA…PURO GAYA…GAYA…GAYA…SIGE KAYO, GAYA KAYO NG GAYA.,MAPAPAGAYA KAYO KAY GLORIA!.

Leave a Reply

Your email address will not be published.