Gretchen Barretto, ‘in’ sa kanyang sariling pabango

ANO BA ANG pagkakapareho ng mga sikat na Hollywood A-listers gaya nina Celine Dion, Jennifer Lopez, Christina Aguilera, Beyonce Knowles, Mariah Carey, Halle Berry, Britney Spears, Jennifer Aniston, Paris Hilton, Reese Witherspoon, David and Victoria Beckham, Sarah Jessica Parker, Pamela Anderson, Elizabeth Taylor, Miley Cyrus, at Queen Latifah? All of them have their own line of fragrances.

“In” ngayon sa mga celebrities ang paglu-lunsad ng kanilang sariling perfume. What better way to match a celebrity’s style and popularity than to have his own intoxicating bottle of perfume to carry his name and scent.

At katulad sa Hollywood, ang mga artista rito sa Pilipinas, mayroon na ring kanya-kanyang perfume line. Isa na rito si Gretchen Barretto who recently launched her perfume label called Greta Eau de Toillete in Trinoma Activity Center. The Greta perfume is a Herbench Celebrity Scents Collection.

The scent is called Greta because people in showbiz call her Greta. The perfume is a gentle and sophisticated fragrance na hahanap-hanapin mo once you smell it. It lingers for a long period of time but the smell is not overpowering.

The fragrance oil is from Grasse, France. Pagbukas mo sa kahon ay may nakasulat na “Share the scent of elegance with me” kung saan ay may nakapirmang Greta sa ibaba nito.

Gretchen had a hand in every detail of Greta kasama na sa pagpili ng scent nito.

Bago ipakilala si Gretchen bilang bagong miyembro ng Bench family, nagkaroon muna ng fashion show na sinabayan ng pagsayaw ng mga G-Force Dancers with the instrumental version of Lady Gaga’s Bad Romance. Paglabas ni Gretchen sa runway ay umulan ng maliliit na white confetti that were designed like snowflakes. Bench mogul Mr. Bench Chan personally welcomed Gretchen with a bouquet of flowers onstage.

At siyempre pa, since she is a beauty icon and fashion diva, Gretchen never failed to turn heads her way that night. Nagniningning si Gretchen during the launch with her Inno Sotto gown and diamond-studded jewelry set that matched the elegant scent of Greta.

Kaibigan, usap tayo muli!

Points of Boy
by Boy Abunda

loading...

2 thoughts on “Gretchen Barretto, ‘in’ sa kanyang sariling pabango

  1. Si Greta ang pinakamaganda at matalinong kabit dahil alam niya saan sya lulugar, and beside malaki na ang nakuha niya sa kinakasama niya ngayon.

  2. Ganda pa rin ni Gretchen maski retokada daw. Pero mas gusto ko yong mukha niya noon na hindi pa ginalaw (kung totoo man na nagparetoke ito ng mukha) kasi parang mas maamoy tingnan. May maraming mga retokadang face na talagang naiba at hindi na gumanda ang mukha. Tingnan mo ang mukha ni Pops Fernandez? ano bang nangyayari dun?

Leave a Reply

Your email address will not be published.