Green card holder sa Navotas, dinagdagan pa

UMABOT NA SA 27,000 ang nabigyan na Green Card o Navotas Hospitalization Program card, kung saan mahihirap sa lungsod ang nakatanggap.

Nabatid kay Navotas Mayor John Rey Tiangco, nagsimula ang programa noong 2005 na puwedeng gamitin kung maa-admit sa Tondo Medical Center, Jose Reyes Memorial Medical Center, Metropolitan Hospital at Valenzuela Medical Center.

Aabot hanggang P30,000 ang maaaring sagutin ng health card kung kaya malaking tulong na rin sa mga holder kung sakaling mao-ospital.

“Ang programa pong ito ang aming katugunan sa papataas na halaga ng pagpapagamot. Nais po naming ipaalala sa aming mga kababayan na ang ating kalusugan ay dapat nating gawing prayoridad sa lahat ng oras at pagkakataon,” pahayag ni Tiangco. (MARY H. SAPICO/ ROMAN MAGPOC)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.