Grand Homecoming Parade ni Miss Universe Pia Wurtzbach, kasado na ngayong araw

NITONG SABADO, January 23, 2016 ng 5:46 ng umaga ay nakabalik na sa bansa si Miss Universe Pia Wurtzbach at tuwang-tuwa ang buong bayan lalo na ang kanyang ina na si Ginang Cheryl Alonzo sa muli nilang pagkikita. Sa brief conference niya sa airport ay sobrang saya niya na nakauwi na siya at sinabi niya na hindi siya nakatulog dahil sobrang excited siya sa pagbalik niya sa ating bansa “Napakasaya ko na nakauwi na ko ulit dito sa Pilipinas, grabe para akong lalaban ulit,” ‘ika ni Miss Universe Pia Wurtzbach. Kahit sobrang busy ng schedule ng ating Miss Universe ay sobra siyang excited at saya kahit mahigit isa o dalawang linggo siya rito sa ating bansa at muling babalik sa ibang bansa para ituloy na ang obligasyon bilang Miss Universe.

Kasado na ngayong araw na ito ang Grand Homecoming Parade para kay Miss Universe 2015 Pia Wurtzbach na magsisimula ng 2 pm, kung saan ay nag-release na ang Metro Manila Development Authority (MMDA) ng ruta ng daraanan ng Parade para kay Miss Universe Pia Wurtzbach. Masayang-masaya si Miss Universe Pia Wurtzbach sa kanyang pagbabalik sa bansa dahil nakita na niya ulit ang pamilya niya na dala-dala na ang korona/titulo bilang Miss Universe 2015.

Kung ating maalala ay nung December 21, 2015 naganap ang Miss Universe 2015. kung saan mahigit 80 na naggagandahang mga binibini mula sa iba’t ibang bansa ang naglaba-laban at tinanghal na Miss Universe ang ating pambato na si Miss Pia Wurtzbach, 1st runner-up naman si Miss Colombia, Adriana Gutierrez, at 2nd runner-up naman si Miss USA, Olivia Jordan at kung saan ay naging controversial ang pageant na ito dahil sa maling pag-announce ng host na si Steve Harvey na ang kanyang nakoronahan bilang Miss Universe ay si Miss Colombia. Agad naman itong humingi ng sorry dahil sa nangyari, pero ‘ika nga ng ating Miss Universe na si Miss Pia Wurtzbach sa interview niya sa The Steve Harvey Show with Steve Harvey ay napatawad na niya si Steve Harvey at mag-move-on na sa controversial na iyon, na talaga naman na ating masasabi na confidently beautiful with a heart ang ating Miss Universe na si Miss Pia Wurtzbach.

Ayon sa mga announcement  sa social media, ang Grand Homecoming Parade ni Miss Universe Pia Wurtzbach ay magsisimula sa Sofitel Philipine Plaza Manila at daraan sa mga major roads sa Maynila, kasama ang Roxas Boulevard at Taft Avenue bago pumunta sa Makati area. Mula sa Makati naman ay pupunta naman pa-Cubao ang parade at sa Araneta Center.

Ito ang eksaktong mga daraanan ng float para sa Grand Homecoming Parade kay Miss Universe Pia Wurtzbach, mula Hotel Sofitel, the route will pass along Atang Dela Rama St., Vicente Sotto St., F. Ma. Guerrero St., Bukaneg St., Roxas Boulevard, Padre Burgos St., Finance Road, Taft Avenue, Quirino Avenue, Gil Puyat, Ayala Avenue, Ayala-Makati Fire Station, then Ayala Avenue again, and Rustan’s Makati is the last stop.

Usapang Bagets
By Ralph Tulfo

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.