Grand championship ng bunong braso ng mga macho, ngayong sabado na!

NGAYONG SABADO, IKA-6 ng Agosto, magaganap na ang pinakahihintay na paghaharap ng mga lokal na kampeon sa nationwide Bunong Braso Challenge ng TRUST Quality Condoms. Mula sa 256 na naglaban-laban, 32 matitipuno at naglalakasang ginoo ang umangat at inaasahang mainit na magtatagisan sa dalawang dibisyon sa Grand Championship Round para sa tumataginting na P100,000 cash at sa titulo bilang kauna-unahang Bunong Braso Grand Champion ng TRUST Quality Condoms.

Sa huling yugto ng Qualifying Round na ginanap noong Hulyo 23 sa Quezon City, itinodo ng mga sumali sa kumpetisyon ang kanilang galing para ‘di lamang makamit ang titulong kampeon mula sa Quezon City at makuha ang cash prize na P10,000.00, kundi para mapasama rin sa mga maglalaro sa Grand Championship. Sa huli, naging kampeon ng Quezon City sina Theron ‘Terminator’ Salagubang sa Lightweight Division, at Nestor Boral sa Heavyweight Division. Second placers sina Roberto Puspus (Lighweight) at Cirilo Linihan (Heavyweight), at third placers sina Benjamin Quintas (Lightweight) at Edgar “Mr Clean” Kitay (Heavyweight).

Dadalo sa Grand Championship ngayong Sabado sa Ever Gotesco Commonwealth sa Quezon City, ang idol ng masa na si Robin Padilla para magbigay-suporta sa mga lokal na kampeon na nagmula pa sa walong Qualifying Rounds sa Taguig, Las Piñas, Baguio, Valenzuela, Batangas, Davao, Cebu at Quezon City. Nasaksihan ni Binoe ang umaatikabong Bunong Braso Challenge sa ilang lugar ng Qualifying Rounds, at inaasahan niyang mas matindi ang bawat paghaharap ng bawat pares sa Grand Championship.

Bukod sa mainit na tagisan ng braso-sa-braso ng mga macho, siguradong ikatutuwa ng mga manonood ang performance ni SexBomb Monique na kikiliti sa imahinasyon ng mga kalalakihan. Makikipagkulitan din bilang host si DJ Marf ng 99.5 RT radio at si SuperTRUST, ang mascot ng TRUST Quality Condoms. Totodo pang lalo ang tuwa ng mga manonood dahil sa mga games at raffles kung saan maaari silang mag-uwi ng malalaking papremyo. Ang lahat ng ito ay handog ng paborito ng bayan, ang TRUST Quality Condoms.

Ang TRUST Bunong Braso Challenge ay hatid ng TRUST Quality Condoms. Bago Umaksyon, Proteksyon. Mag-TRUST Quality Condoms.

Clickadora
Pinoy Parazzi News Service

loading...

One thought on “Grand championship ng bunong braso ng mga macho, ngayong sabado na!

Leave a Reply

Your email address will not be published.