Granada, sumabog sa Taguig; 9 sugatan

SIYAM NA katao ang nasugatan matapos sumabog ang isang granada sa eskinita sa 10th Avenue, Barangay North Signal Village, Taguig City, kamakailan.

Kabilang dito ang apat na nasa kritikal pang kondisyon na sina Jonathan Meday, 21-anyos; Robert Malonzo, 42; Ricardo Ampil, 10 at William Flores.

Nagtamo naman ng bahagyang sugat sina Ruben Orate, 38; Buenaventura Borja Jr., 47; Jay Rizano, 20; Jambowie Domingo, 19; at isa pang babae.

Nasa Taguig Pateros District Hospital ang mga nasabing biktima at humihingi ng tulong pangtustos sa gamot.

Lumalabas sa testimonya ng tiyahin ni Ampil na halos maputulan ng paa, nag-ugat ang paghagis ng granada sa away na naganap sa lugar kamakailan.

Umabot sa halos 10 metrong layo ang epekto ng pagsabog.

Target umano rito si Flores na namukpok ng kahoy sa ulo ng isang lalaki.

Samantala, isang nag-ngangalang “Lester” na ang tinatarget ng mga awtoridad para sa pagsisiyasat.

Sa ngayon, patuloy ding inaalam ng mga kinauukulan ang uri ng granadang ginamit sa insidente.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.