Granada, Natagpuan ng Basurero sa Dumpsite

ISANG BASURERO na naman ang nakakita ng granada sa isang dumpsite sa may Brgy. Sibaguan, Roxas City.

Natagpuan ang gra-nada ng basurerong si Jonathan Abalayan, 34, na nasa loob ng isang combat shoes.

Matatandaan na isang atis-type rin ng granada na nasa loob ng combat shoes ang nakita ng isa pang basurero na si Alfredo de Juan noong nakaraang Linggo lamang.

Hinala ng mga residente ng lugar na sinadyang itapon ang granda sa dump site dahil magkapares ang combat shoes na pinaglagyan ng mga ito.

Sa ngayon, nasa pulis na ang nasabing mga granada.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.