Granada, Narekober sa Bahagi ng Makati City

NAGDULOT NG TENSYON sa mga residente sa lungsod ng Makati ang natagpuang granada sa isang kalsada malapit sa local health center, kamakailan.

Pansamantalang isinara ng pulisya ang bahagi ng Dela Fuente St. sa Guadalupe Nuevo upang walang masugatan sakaling sumabog ang naturang “apple-type” na granada bagama’t nakakabit pa ang safety pin nito.

Ayon sa mga kinauukulan, agad silang inalerto ng mga residente matapos makita ang nasabing pampasabog.

Sa ngayon ay patuloy pa rin ang pagsisiyasat ng mga awtoridad kung sino ang nag-iwan ng granada.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.