Granada, Isinuko

ISINUKO NG leader ng mga barangay tanod ang granada na iniwan sa tapat ng bahay ng kalugar sa Navotas kamakalawa ng hapon.

Ala-1:30 ng hapon nang dalhin sa presinto ni Jessie Montecalvo, 51 ng North Bay Boulevard South ng lungsod ang pineapple type na granada.

Ayon kay Montecalvo, nagpunta sa kanya ang kapit-bahay na nakilala lang sa pangalang Romy at sinabing may nag-iwan sa tapat ng kanilang bahay sa Sitio Puting Bato, NBBS.

Ibinigay ni Romy ang granada na agad na binalutan ng tape ni Montecalvo ang safety pin bago dinala sa presinto.

Inaalam na kung sino ang nag-iwan ng granada sa tapat ng bahay ni Romy.

(MARY H. SAPICO)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.