Granada, ipinagyabang:kelot, nalasog; 3 pa, sugatan

 

DAHIL SA pagyayabang ng isang matapang, nagkalasug-lasog ang katawan ng isang lalaki matapos sumabog ang pinaglalaruang atis-type hand grenade sa Brgy. Guma-od, Claveria, Misamis Oriental.

Ayon kay SPO1 Jonathan Camanse ng Claveria Police Station, kinilala ang biktima na si Marcelino Pelibo, residente ng nasabing bayan.

Inihayag ni Camanse na sinadya ng biktima na tanggalan ng safety pin ang granada at ilang minuto ang lumipas ay sumabog na ito dahilan upang magkalasug-lasog ang katawan nito.

Nadamay rin ang kanyang asawa na si Rosalie Pelibo at maging ang mag-asawang si Tony Dagoc at Edna Dagoc na nasa explosion site.

Nilinaw naman ng awtoridad na ligtas na ang kalagayan ng mga sugatang biktima sa mga sandaling ito.

Gayunman, tulala pa si Rosalie dahil hindi malinaw sa kanya kung bakit ginawa ni Marcelino ang pagpapasabog ng granada.

(EUNICE CALMA)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.