Graduating student, Natagpuang Patay

WALA NANG buhay nang matagpuan sa Fountain Breeze condominium sa Parañaque City ang isang graduating student.

Nadatnan ang biktimang si Kevin Gallardo, 26-anyos sa first floor ng condo na walang malay, maputla ang labi at duguan.

Isinugod pa sa pagamutan si Kevin pero idineklara ring patay.

Sinabi ng ina ng biktima na nagpaalam sa kanya ang anak noong Biyernes ng hapon para lumabas kasama ang mga kabigan.

Ayon naman sa kaibigan nitong si Cham Caballero, nakipag-inuman si Kevin kasama ang siyam pang kaibigan noong Biyernes ng gabi.

Sinabi naman ng mga kasama ng biktima sa inuman na umaga ng Sabado nang inihatid nila sa condo si Kevin.

Dagdag naman ng ina ng biktima, may dalawang tama ng ice pick sa likod ang anak at may mga pasa sa likod ng hita kaya hinihinala niyang nabiktima ito ng hazing.

Pero base sa police blotter ng Parañaque City Police, nahulog umano mula sa seventh floor ng condo si Kevin.

Wala namang closed-circuit television (CCTV) ang gusali na maaaring makatulong sa pagresolba ng kaso.

Samantala, magtatapos sana sa kursong Customs Administration sa Asian Institute of Maritime Studies si Kevin kahapon, Sabado ng hapon, pero hindi na nakadalo pa sa graduation.

Hindi na muna nagpa-interview ang pamilya habang hinihintay ang kabuuang resulta ng awtopsiya.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.