Graduating Student, Kalaboso sa Pambabastos

HINDI NA makakasamang magmartsa sa kanilang graduation day ang isang 17-anyos na high shool student sa Zamboanga City matapos siyang arestuhin ng mga awtoridad sa bisa ng kanyang warrant of arrest dahil sa kasong Act of Lasciviousness.

Ang naarestong binatilyo ay isang 4th year student ng Vitali National High School at residente ng Sitio Miami, Barangay Vitali ng lungsod.

Base sa ulat ng Police Regional Office (PRO-9), nadakip ang salarin sa isang lugar sa Pagadian City.

Inilabas ang Warrant of Arrest laban sa suspek ng Regional Trial Court (RTC) Branch 17, Zamboanga City na may inirekomendang piyansa na umaabot sa halagang P80,000.

Samantala, dahil sa menor de edad, na-turn-over muna siya sa center ng Children in Conflict with Law Center (CICLC) sa Barangay Culianan ng nasabing lunsod.

 (PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.