Grade V student, ginahasa ng pinsan sa tabi ng ilog

ISANG SAMPUNG taong batang babae ang sinasabing hinalay ng nakatatandang kamag-anak na isang meka-niko ng bisikleta sa Brgy. Minuyan Proper, San Jose Del Monte City, Bulacan.

Kinilala ang suspek na si Estefanio Gatallo, 31 anyos, binata, at residente ng Block 59, Lot 10, Brgy. Minuyan Proper.

Sa inisyal na im-bestigasyon ng mga pulis, ang biktima na itinago sa pangalang Erika, Grade V student, ay nabatid na naliligo sa ilog nang hubo’t hubad nang dumating ang suspek at agad na nilapitan ang biktima.

Ayon sa bata, pu-wersahan umano siyang binuhat ng suspek at dinala sa gilid ng ilog at doon ay pinagsamantalahan.

Agad namang nadakip ang suspek na nahaharap ngayon sa kasong Rape in relation to RA 7610 habang pansamantalang nakadetine sa SJDM City Jail.

(TONY DELA PEÑA)

 

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.