Grade 6 Pupil, Ginilitan ng Magnanakaw

HINDI NA makakasama sa graduation ceremony ang isang Grade 6 pupil matapos itong gilitan sa leeg ng na-nloob sa kanilang tahanan.

Kinilala ang biktima na si Wincer Dela Rosa, 12, residente ng Brgy. Fatima, General Santos City.

Ayon sa ina ng bata na si Judith, umuwi ang kanyang anak dakong alas-11 ng tanghali mula sa kanilang graduation practice nang maabutan ang hindi kilalang lalaki na may kinukuha sa loob ng kanilang bahay.

Biglang sumigaw ang binatilyo para humingi ng tulong sa mga kapit-bahay.

Dahil sa ginawa ng bata, ikinagalit ito nang husto ng suspek kaya nilapitan at ginilitan sa leeg.

Narinig naman ng mga kapit-bahay ang paghingi ng saklolo ng bata kaya’t kanila itong pinuntahan at doon natagpuan ang bata na naliligo na sa sariling dugo at hindi na rin inabutan ang magnanakaw.

Samantala, patuloy pang ginagamot ang bata sa pagamutan. Hindi pa rin makapagsalita ang biktima na sana ay aakyat na ng entablado para sa graduation nito.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.