Grade 4 student nag-amok; pinsan na sk, pinagbabaril, patay

TINUTUGIS NGAYON NG Philippine National Police katuwang ang Department of Social and Welfare Deve-lopment (IDSWD)  ang isang 11-anyos na lalaki nang pagbabarilin hanggang sa mapatay ang kanyang pinsan na isang Sangguniang Kabataan chairman sa Tapaz, Capiz, kamakalawa ng hapon.

Kinilala ang biktima na si Fregener Luna, 16 anyos at residente ng Barangay Poblacion sa nabanggit na bayan.

Ayon kay PNP Spokesman, Chief Supt. Agrimero Cruz Jr., naganap ang insidente ala-1 ng hapon sa nabanggit na barangay.

Nabatid na pinagbabaril ng grade four student na itinago sa pangalang John ang SK chairman sa hindi pa malinaw na dahilan.

Tumakas ang salarin ma-tapos ang insidente habang patuloy pa rin ang imbestigasyon ng mga awtoridad.

(EUNICE CALMA)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.