Grade-3 pupil, dinonselya sa damuhan ng manyak na kapitbahay

 

SWAK SA KULUNGAN ang isang 58-anyos na tricycle driver matapos nitong walang-awang gahasain ang isang grade-3 pupil na batang babae sa damuhan kamakalawa ng gabi sa Caloocan City.

Nakapiit sa detention cell ng Caloocan Police at nahaharap sa kasong Rape in relation to RA 7610 ang suspek na si Reynaldo Rodriguez, ng #141 Binangonan St., Brgy., 30, Caloocan City.

Sinamahan naman ng kanyang ina ang biktimang si Jopay, 10, ng Caloocan City, sa tanggapan ng Women’s and Children’s Concerned Desk (WCPD) Caloocan Police, upang pormal na magsampa ng kaso laban sa suspek.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-8 ng gabi nang maganap ang insidente sa madamong bakanteng lote sa Cainta St., ng nasabing barangay.

Base pa salaysay ng biktima, tinawag siya ng suspek at sinabing may sasabihin lamang siya hanggang sa dinala ito sa damuhan para isakatuparan ng suspek ang makamundo nitong pagnanasa.

Ayon sa isang barangay tanod, kasalukuyang itong nagroronda sa naturang lugar nang makita nitong may gumagalaw sa damuhan. Lumapit ito upang alamin kung anong meron. Dito kanyang nakita ang hubo’t hubad na biktima ganu’n din ang suspek ay walang saplot pang-ibaba.

Agad nitong tinawag ang mga kasamahang tanod para humingi ng tulong na naging resulta sa pagkakadakip sa suspek. (MARY H. SAPICO)

Pinoy Parazzi News Service

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.