Grade 2 Pupil, Nalunod sa Palaisdaan; 1 pa, Kritikal

PATAY ANG isang grade 2 pupil na batang lalaki, habang kritikal sa pagamutan ang isa pa makaraang maligo at malunod ang mga ito sa fish pond kamakalawa ng hapon sa Valenzuela City.

Dead-on-arrival nang idating sa Valenzuela General Hospital ang biktimang si Genesis Pilar, mag-aaral ng Polo Elementary School, ng Blk. 2, Lot. 4 Angeles Ville Coloong 2, Valenzuela City; habang ginagamot naman si Ipe Tabua, 11, Blk. 4, Lot. 4 ng nasabing lugar.

Sa ulat ng pulisya, dakong alas-2:40 ng hapon nang maganap ang insidente sa palaisdaan malapit sa bahay ng mga biktima.

Isa sa kapit-bahay ng mga biktima ang nakakitang nalulunod ang mga ito dahilan upang humingi ng tulong na agad namang rumesponde sina Wilcor Macapanlag at Rey Barasi.

At nang maiahon ang mga biktima ay agad na dinala sa naturang pagamutan subalit si Pilar ay idineklara nang patay habang patuloy naman ginagamot si Tabua sa nabanggit na pagamutan.

(MARY H. SAPICO)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.