Grade 1 pupil, ginahasa bago pinatay

ISANG 13-ANYOS NA batang babae na may kapansanan sa pag-iisip ang natagpuan patay na pinaniniwalaang ginahasa muna bago patayin ng tatlong hindi nakikilalang suspek sa loob ng isang museleo sa La Loma Ce-metery kamakalawa ng hapon.

Ang biktima ay pina-ngalanang “Jopet” (hindi tunay na pangalan), 13 anyos, grade-1 student at naninirahan sa 1st Avenue, Barrio Maligaya ng nabanggit na lungsod.

Kasalukuyan namang nagsasagawa ng manhunt operation ang mga elemento ng Caloocan PNP laban sa mga hindi nakikilalang suspek na siyang may kagagawan ng krimen.

Base sa ulat ng Women’s and Children’s Concern Desk (WCCD) ng nasabing himpilan, dakong alas-4 ng hapon kamakalawa nang matagpuan ang walang buhay na biktima sa loob ng isang museleo ng nasabing sementeryo.

Nakita ang batang biktima na walang panloob na saplot at nakabukaka ang magkabilang paa na palatandaan na pinagtulungang gahasain ang batang babae at ang ari nito ay may bahid pa ng dugo.

Ang biktima ay nagtamo ng labing-tatlong tama ng saksak ng ice pick sa katawan at hindi pa nasiyahan ay ginilitan pa ang leeg ng biktima.

Matapos na isagawa ng mga suspek ang brutal na pagpatay ay iniwan ng mga ito ang batang biktima na naliligo sa sariling dugo.

Sa kasalukuyan, patuloy na nagsasagawa ng follow-up investigation ang pulisya para sa madaliang ikadarakip ng mga suspek.        (ROMAN MAGPOC)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.