UP grad, nanguna sa 2013 Bar Exams

NANGUNA ANG University of the Philippines (UP) sa resulta ng 2013 Bar Examinations.

Si Nielson Pangan ng UPD ang nanguna sa 1,174 pumasa sa nasabing eksaminasyon. Nakapagtala ng 85.8% na resulta si Pangan.

Habang table naman sa ikalawang pwesto sina Mark Oyales ng UP at Dianna Wilwayco ng Ateneo de Manila University (ADMU).

Pumangatlo naman si Rudy Ortea na taga-University of Batangas.

Ang iba pang nakapasok sa top 10 ng pagsusulit ay sina: Eden Mopia, UP (4th), Tercel Mercado-Gephart, University of San Carlos (5th), Manuel Sarausad, University of Cebu (6th), Katrine Suyat, San Beda College-Manila (7tth),  Michael Tiu, Jr., UP (8th), Marjorie Fulgueras, ADMU (9th) at  Cyril Arnesto, UP (10th).

Mula sa 5,292 na nakatapos ng eksaminasyon, pumalo lamang sa 22.15 porsyento ang bilang ng mga nakapasa ngayong taon.

Itinakda naman ng Korte Suprema ang oathtaking ng mga bagong abogado sa April 28, 2014 sa Philipine International Convention Center sa Pasay City.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.