Grace Lee, tinawag na isip-bata si Angelicopter!

SINAGOT NA rin ni Grace Lee ang tungkol sa isyu nila ni Angelicopter na tinanggal bilang co-anchor nito sa radio program nila sa Magic 89.9.

Masama ang  loob nito kay Angelicopter dahil bakit ngayon lang daw ito lumabas gayung nangyari raw itong termination sa kanya nu’ng bago pa mag-Pasko na hindi pa ito nali-link kay Pres. Noynoy Aquino.

Ang ikinasama raw ng loob niya ay parang pinalalabas daw nito na dahil sa power niya bilang nali-link nga ito kay P-Noy, natanggal ito gawa nang away ni-lang dalawa.

“Affected ako because she can say whatever she wants, pero to bring in the issue about me dating the president, why she have to mention that? It has no-thing to do of what happened. That is so childish naman,” bahagi ng mahabang litanya ni Grace.

Sinagot naman daw niya si Angelicopter nu’ng nag-text ito sa kanya at aminado siyang hindi ito kumportableng makatrabaho siya nu’ng panahong ‘yun dahil nga sa nangya-ring away nila sa kanilang radio program na nasaksihan naman daw ng ibang mga guests.

Sana tumigil na raw si Angelicopter sa kasasalita na hindi naman totoo. Alam naman daw nitong kaya siya natanggal dahil sa dami ng mga isyu niya sa radio station na hindi naman niya hinarap sa ma-nagement. Isa na nga rito ang away nila ni Grace, pero marami pa raw ‘yun na nagka-patung-patong na dahil hindi naman niya hinarap.

Hindi na raw natutuwa si Grace sa mga nangyayari na kapalit ng pagka-link niya kay P-Noy. Pero aminado naman siyang maraming mga magandang kapalit dahil dumami ang mga endorsements nito at dumami ang projects niya. Ganu’n talaga! At least sikat siya ngayon!

 

KAHIT NAAPI si Mark Herras sa billing nito sa pelikulang Hitman ni Cesar Montano, marami naman ang pumuri sa kanya sa pelikulang ‘yun.

Bongga nga ang moment ni Mark bago mag-ending at tama naman ang sinabi ni Cesar na may karapatan itong mag-aksyon at magaling siya sa pelikulang ito.

Kaya sabi nga ni Mark, kung sakaling gagawa siya uli ng pelikulang aksyon, sana si Cesar daw ang magdirek sa kanya.

Sa ngayon ay abala muna si Mark sa pagsisimula ng bagong drama series nila ni Kris Bernal, ang Hiram na Puso.

Nag-hit naman ang dance-serye nila ni Kris noon, at napatunayang maganda ang tandem nila, kaya binigyan sila uli ng bagong project, itong Hiram na Puso na magsisimula na sa susunod na linggo.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

3 thoughts on “Grace Lee, tinawag na isip-bata si Angelicopter!

  1. well sa totoo lang mark herras is no longer a leading man to be..please lang d n xa hot unlike before and lalo ng d xa marunong umarte..tapos pgsasamahin p cla ni kris bernal??? goodluck gma!!!!always flop..

  2. well sa totoo lang mark herras in no longer a leading man to be..please lang d n xa hot unlike before and lalo ng d xa marunong umarte..tapos pgsasamahin p cla ni kris bernal??? goodluck gma!!!!always flop..

  3. kahit naapi si mark, wala pa rin sya, one of those, trying hard maging leading man. walang kwentang umarte. sumayaw ka na lang mark! wala kang talent sa pag arte! stop!!!!!!! hahahahahahaha

Leave a Reply

Your email address will not be published.