Grace Lee, taklesa na, sinungaling pa?!

OLA CHIKKA now na! Oh, no.. oh, yes… now na! More chikka, more fun na naman tayo to the maximum authority of chikka ng yours truly!

Kumustahin naman natin  itong walang tigil sa chikka at hindi tinatantanan ng chikka dahil sa mga eksena niyang ginagawa. Super daldal daw ni Grace Lee tungkol kay P-Noy. Panay raw ang pa-interview nang pa-interview kahit kanino.

Kaloka, hindi na alam kung sino ang nag-i-interview sa kanya. Puwede nating tawaging ‘Amnesia Girl’ at take note, puwede ring magkaroon ng teleseryeng ganito rin ang pamagat. Tamang-tama, ‘te… isa siyang Koreana.

At marami ang nakukuryente sa kadaldalan ni Grace Lee. Kasi ‘pag lumaki na ang issue dededmahin na lang niya itey. Samantalang mukhang siya naman ang nagpalaki.

Marami ang nagagalit sa kanya at marami rin ang nagsasabing sinungaling si Grace Lee. Hahaha! ‘Pag nagkataon, dalawa na ang taklesa sa industriya. Kaloka naman talaga sa Earth! Hahaha!

Ayaw ni Kris Aquino nang ganyan. Siyempre, dapat isa lang, ‘di ba? At wala namang nakapagsabing sinungaling si Kris! Pak!

HETO PA ang isang pasabog na chikka. Tuloy na tuloy nang si Sarah Geronimo ang papalit sa show ni Vice Ganda. Naku, ‘te… kung si Sarah rin naman ang papalit, ano ang magiging format niyan, at marami pa rin ba siyang fans?

Pero siguro, mas mabuti na ‘yun, kesa ‘yung may sumasama ang loob kay Vice ‘pag pinapanood siya dahil sa mga joke niya. Pero may balitang imbiyerna si Vice Ganda kay Sarah, dahil hindi siya sinipot ni Sarah sa concert niya sa Araneta Coliseum. Kakaloka naman talaga!

At meron pang bali-balita na magsasabwatan daw itong sina Kris Aquino at Vice Ganda na mag-BFF para matsugi agad itong show ni Sarah.

Sa show lang kaya, o sa Kapamilya na?! Kaloka, hindi ko kinekeri… may ganu’ng eksena!

BLIND ITEM: Kumusta naman kaya itong sikat na young actress? Nakalulungkot ang naging eksena niya, dahil may isyu na flopsina na ang kanyang teleserye.

Bakit naman flop?! Kaloka naman ang naging eksena ni ate! Magaling pa naman ito. Hindi naman magpa-flop kung may something, ‘di ba?

Baka naman may attitude itong si merlat o hindi na talaga maganda ang keme niya? Gets n’yo na ba?

Ooola Chika
E-mail: [email protected]
by Tita Swarding

Previous articleBading daw kasi: guwapong young actor, isinumbong sa manager ang pambu-bully ng isa pang young actor!
Next articleVice Ganda, imbiyerna kay Sarah Geronimo?!

No posts to display