Grace Lee, mas pinaboran ng radio station kaysa kay Angelicopter?!

NATSUGI NA ang beauty ng Magic 89.9 jock na si Angelika “Angelicopter” Schmeing-Cruz.

Inamin naman ng pamunuan ng nasabing istasyon na nagkaroon nga ng misunderstanding between Angelicopter and Grace Lee na parehong magkasama sa Good Times. Pero sinabi ng radio station sa Facebook account nila na hindi ito ang dahilan kung bakit tsinugi si Angelicopter. May internal issue raw ito at sa assessment ng over-all performance nito iginawad ang kanyang pagkaalis sa show.

May tsikang mas pinili raw ng radio station si Grace Lee dahil malaki ang naitulong nito upang lalong mapalakas ang show nila. Matunog na matunog kasi ang pangalan ngayon ni Grace simula nang ma-link ito kay President Noynoy Aquino.

Is it true na Grace threatened to leave the radio show kung mananatili si Angelicopter which was why the management decided to drop the latter?

Mukhang hindi tinatantanan ng intriga itong si Grace Lee. After niyang maimbiyerna nang masulat na sa altar niya nakikita ang sarili matapos makipag-date kay P-Noy at itanggi na bibigyan siya ng security ng president ay may bago na namang isyung kinakaharap itong si Grace Lee.

But just the same, nagpapasalamat si Grace Lee sa suportang ibinigay sa kanya ng kanyang istasyon.

Grateful for all the support from my @Magic899 family. Thank you everyone. you all made my day easier:) Mwah,” she tweeted.

 

NAIYAK ANG businesswoman na si Cristina Decena nang ihabilin sa kanya ng nanay ni Ariel Villasanta na si Mommy Elvie ang lahat ng kanyang mga ari-arian bago ito operahan para sa breast cancer.

“Dinala niya ‘yung isang malaking-malaking lalagyan ng lahat ng importanteng bagay sa buhay niya. Ibinigay niya sa akin,” panimulang kuwento ni Cristina sa presscon ng show ni Mommy Elvie.

“Isa-isa niyang binilin sa akin ‘yung ATM card niya, ‘yung SSS card, ‘yung mga alahas niya, ‘yung pera niya. Sabi niya hawakan ko raw. Ang pinakaimportanteng bagay na binilin niya sa akin, si Ariel, kuwento niya habang parang naiiyak na.

“Naiyak ako kasi hindi ako sanay sa ganoong scene. Tapos lahat ng mga anak no naroon sa tabi ko, humahalik kay mommy kasi siyempre hindi natin alam ang mangyayari pagkatapos ng operasyon niya. For the first time in my life naramdaman kong mayroon akong isang ina, biyenan na nagmamahal sa akin. Sobrang akong nagpapasalamat dahil nga si mommy, ramdam na ramdam ko na mahal niya ako, mga anak ko at tanggap niya  na ako ang asawa ng anak niya. Nagpapasalamat ako sa Diyos at dumating sila sa buhay ko,” kuwento niya habang nangingilid ang luha.

 

MUKHANG MAY ‘sumpa’ raw palagi ang bagong show ni Gretchen Barretto. Parati raw kasi itong nahahaluan ng kontrobersiya.

Remember, ‘yung  Magkaribal na dapat sana ay pagsasama-han nila ng sister niyang si Claudine Barretto? Hindi ba’t muntik na itong hindi matuloy dahil biglang nilayasan ni Claudine ang Dos at lumipat sa Siyete.

Ito namang Alta, sinasabing tuluyan nang na-shelve. Hindi na raw ito tuloy kahit na nakapag-taping na at nakapag-pictorial na rin.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Grace Lee, mas pinaboran ng radio station kaysa kay Angelicopter?!

  1. karma yan kay starlet angelicopter, pinagbayaran na nya dahil sa mga panlalait at pang aaway nya sa mga nakaalitan nya sa survivor philippines, quitter na nga kasi tapos inaaway pa mga hindi quitter, kaya yan double karma. at ang inaway mo pa eh ang rumored gf ng pangulo ng pilipinas, tanga! hahahahaha. hintayin natin ang double karma din ng dalawa pang starlets na kasama nya na sina jackie forster at edden adarna! hahahahaha

  2. Puking inang babae to, Gusto ring maging haciendera ang puta.. Kaya kahit abnoy pinatulan ng animal na to.. Sayang ka papatira ka lang sa abnoy… Buwakang ina ka. Kahit koreana ka nahawa ka na sa CHEAP PINAY..

  3. Pingback: Grace Lee, mas pinaboran ng radio station kaysa kay Angelicopter?! | Celebrity Philippines

Leave a Reply

Your email address will not be published.