Grace Lee, ‘di na babalik sa Magic 89.9!

1. Grace Lee and Andrew Santiago

Picture 1 of 2

KAMAKAILAN LANG kumpirmado na ayaw nang bumalik ni Grace Lee sa kanyang da-ting radio station na Magic 89.9. Bagama’t ilang beses na raw itong inalok ng station manager ng Magic 89.9 na si Andrew Santiago, tila ayaw nang sumawsaw sa gulo nitong si Grace Lee. Kaliwa’t kanan naman ang mga proyekto ni Grace Lee na mina-manage ni Arnold Vegafria.

Sa isang pagsusuring ginawa ng isang malaking “survey company”, nasa dobleng negatibo na halos ang lahat na lumalabas na “reviews” sa istasyong Magic 89.9. Napakala-king dagok sa naturang istasyon nang gumawa ng kababalaghan laban kay Charice Pempengco ang ilang DJ’s nito sa pang-umagang programa na pinangungnahan ni Mo Twister. Ang mga akusasyong pangungurakot ni Mo Twister ay tila nakaapekto rin dito.

Sa nakaraang OMG awards na isinagawa ng prestiyosong Yahoo, nangulelat lahat ng programa ng Magic 89.9.

Lubhang nakaapekto rin daw sa ratings ng istasyon ang ‘di kanais-nais na paglisan ng dalawa nitong pinakamalaking hosts na si DJ Mojo Jojo at si DJ Grace Lee. Ang dalawang beteranong DJ’s dati’y may taglay na pinakamaraming endorsements sa kanilang istasyon ayon sa “survey company”.

Si DJ Mojo Jojo ay umalis dahil sa sunud-sunod na pambabastos sa kanya ni Mo Twister at dahil sa patuloy na pangungurakot ni Mo sa kanilang mga premyo.

Ayon sa usap-usapan si Grace Lee rin ay ‘di makayanan ang pangongotong ni Mo Twister at ang patuloy na paggamit ng isyu nila ni P-Noy.

 

Parazzi Chikka
Parazzi News Service

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.