Grace Lee, ‘di binigyan ng chance si Angelicopter na magkaayos sila?!

TRUE NGA bang magre-resign na si Grace Lee sa Good Times hosted by Mo Twister?

May nabasa kaming tweet na nagsasabing Grace will resign from the controversial radio program this week.

Tila kinumpirma naman ni Grace ang balita when she tweeted this message, “Good morning:) been reading all your tweets. thank you so much everyone. I will properly say goodbye on the show this Thursday”.

So, bukas na nga ba ang last day ni Grace Lee sa radio?

Mukhang sa radio lang naman maggu-goodbye si Grace. Tuloy pa rin naman kasi siya sa mga programa niya sa GMA-7.

“For those asking, yes I will continue with my show on GMA:),” tweet ng TV host.

Naging maintriga lately ang buhay ni Grace sa radio. Nagkaroon sila ng away ni Angelicopter at siya ang sinasabing dahilan kung bakit natsugi ang huli sa kanilang radio show.

Sa interview ni Angelicopter, sinabi niyang kailangan niya ng trabaho lalo pa’t isa siyang single mom. Sinabi rin niyang ilang beses siyang nag-reach out kay Grace through text messages at calls para magkaayos sila, pero isinara raw nito ang lahat ng doors for reconciliation, bagay na itinanggi naman ni Grace na nagsabing isang beses lang siya tinext ni Angelicopter.

 

TOTOO NGA bang isang dancer ng Eat Bulaga ang ipinalit ni Jose Manalo sa kanyang misis?

Nagpainterbyu ang misis ni Jose na si Annalyn Manalo at sinabing inabandona sila ng komedyante. Ang claim ni Annalyn, last January pa umalis si Jose sa kanilang pamamahay at may kinababaliwan umano itong ibang babae.

Actually, kinausap naman niya ang babae kaya lang mukhang wala ring nangyari. Hindi yata ito nadaan sa kanyang pakiusap na layuan na ang kanyang asawa alang-alang sa mga anak nila.

Hindi na rin makatuntong si Annalyn sa Broadway Centrum kung sa-an ginaganap ang Eat Bulaga araw-araw dahil na rin sa banned na siya roon.

Marahil ay may matin-ding rason si Jose kung kaya iniwan niya ang kanyang asawa.

Anyway, mukhang ayaw pang magsalita ni Jose tungkol sa issue. Baka naghihintay lang siya ng proper timing.

 

BLIND ITEM: Aware kaya ang isang sikat na personality na natsitsismis siya na tomboy. At ang nakakaloka pa, ang sinasabing karelasyon niya ay ang kanyang magandang alalay.

Until now ay wala pang boyfriend ang personality na ito. Parang wala yatang nanliligaw sa kanya.

Madalas makasama ng sikat na personalidad ang kanyang alalay kaya siguro ay natsitsismis silang dalawa.

Anyway, may new look ngayon ang sikat na personality kaya naman marami ang nag-iisip na inspired nga ngayon ang hitad.
Lex Chika
by Alex Valentine Brosas

loading...

5 thoughts on “Grace Lee, ‘di binigyan ng chance si Angelicopter na magkaayos sila?!

  1. karma nga kay angelicopter yang nangyari sa kanya! masyado kasing mayabang sa sinalihang show na survivor eh ni hindi nga nagtagal at quitter pa! yan ang napapala ng akala mo may maipagmamayabang! at mali ka pa ng kinalaban! kinalaban mo ba naman ang gf ng pangulo. kayabangan ka kasi kaya yan KARMA!! hahahaha

  2. ano ba yan’?writer kaba?wala kang kakwenta kwenta magsulat.lumang issue na yang blind item mo,,si charice yang tinutukoy jan,teh copy paste sa ibang column nlng ba ginagawa mo para magkablind item ka?

Leave a Reply

Your email address will not be published.