Grace Lee, dedma na isyu nila ni P-Noy?!

NAKAUSAP NAMIN kahit mabilisan lang si Grace Lee noong Miyerkules ng gabi sa Fashion Week sa may SMX at inusisa namin sa kanya ang bali-balitang hiwalay na raw sila ng rumored boyfriend niyang si President Noynoy Aquino.

Medyo, naiilang si Grace na sagutin ang tanong, pero in the end, sinagot naman niya kami ng isa pang tanong, “Sino, ako? Tsaka?”

Halata namang iwas na iwas na talaga si Grace na pag-usapan ang kanyang lovelife. Masaya naman siya’t malapit na raw magsimula ang kanyang solo radio show.

 

NAUNA NA naming naisulat ang mga balak nina Richard Gomez, Aga Muhlach, Phillip Salvador at Dennis Padilla tungkol sa plano nilang pumasok sa pulitika. Ngayon ang dating sikat na sikat na teenstar via TGIS na si Onemig Bondoc ay aminado na ring may balak na pumalaot sa public service.

Nakakuwentuhan namin si Onemig sa isang event noong Martes at ayon pa sa kanya, matagal na talaga siyang naglilingkod din sa bayan dahil naging DepEd ambassador siya. Umiikot din siya sa iba’t ibang panig ng bansa para gampanan ang kanyang tungkulin bilang education ambassador.

Ngayon, palagi raw siyang naglilibot sa kanyang probinsiya para malaman niya ang pulso ng kanyang mga kababayan at ang mga nais nilang mga proyektong maibigay sa kanilang lugar.

If plans pushes through, Onemig will run as vice governor ng Bataan. Ayon pa sa kanya, gusto niyang makatulong pa sa kanyang lalawigan. Well, goodluck na lang sa iyo, Onemig!!!

 

PAINIT NANG painit ang mga eksena sa primetime ng TV5 dahil ang Valiente ay extended ng isang buwan dahil sa taas ng ratings at ganda ng takbo ng istorya. Bilang bahagi ng kanilang finale month ay ang pagpasok ng magaling na aktres na si Lorna Tolentino sa show.

Ayon pa kay LT, maganda ang kanyang karakter na hindi naman matatawag na kontrabida pero magdadala siya ng maraming rebelasyon sa takbo ng istorya. Sa June na papasok ang kanyang karakter at tiyak naming lalo pang iinit ang ating mga gabi, kapatid!!!

 

MAY LUMABAS na mga bali-balita na diumano ay umalis na ng GMA-7 si Daniel Matsunaga at lilipat na raw ito sa TV5. Kaya naman nang makasalubong namin sa isang event sa The Fort ang kapatid ni Daniel na si Vanessa Matsunaga, ay nilinaw namin sa kanya kung totoo nga bang lilipat na si Daniel.

Ani Vanessa, lagi silang nagkakausap ng kanyang kapatid pero hindi naman daw nabanggit nito sa kanya ang tungkol sa paglipat.

Pero tiniyak sa amin ni Vanessa na Daniel is slowly moving on and okay na okay ito. ‘Yun na!!!

 
Sure na ‘to
By Arniel Serato

loading...

4 thoughts on “Grace Lee, dedma na isyu nila ni P-Noy?!

Leave a Reply

Your email address will not be published.