Grace Lee, ayaw nang pag-usapan si P-Noy?!

HINDI PA rin maitatanggi, si Grace Lee pa rin ang isa sa hottest celebrity na pinag-uusapan sa ngayon.

Ang latest sa kanya, nag-resign na pala ito sa radio program niyang Goodtimes sa Magic 89.9.

Kahapon ang huling araw niya sa naturang radio program, pero hindi naman daw niya iiwan ang naturang istasyon.

Ang sabi raw ng manager ng Magic 89.9, bibigyan daw nila ng bagong programa si Grace na convenient sa kanyang schedule.

Ang isang dahilan yata nang pag-resign nito ay nahihirapan siya sa daily schedule niyang 6 to 9 ng umaga.

Wala raw kinalaman ang isyu niya kay Pres. Noynoy Aquino, ang away niya kay Angelicopter at ang co-anchor niyang si DJ Mo Twister, sa desisyon nang mag-resign.

Mga two years ago pa raw niya pinag-isipan na iwan ang radio program na ‘yun at ngayon lang niya ito ginawa. Hindi naman niya inaamin, pero siyempre nakadagdag dito ang mga isyung kinasangkutan niya.

Gusto na raw niya ng tahimik na buhay, na hindi nasusuong sa mga intriga. Kaya kapag naa-ambush interview ito, nakikiusap na ito sa mga reporters na walang tanong tungkol sa presidente. Ayaw na raw talaga niyang magsalita.

Maiiwasan ba iyan? Siguro matatahimik na lang kapag aminin nilang sila na nga!

 

HAPPY BIRTHDAY pala sa dating Senador Ramon Revilla, Sr. na nag-celebrate ng kanyang kaarawan kahapon.

Alam kong may surprise party ang mga anak niya sa bahay nila sa Cavite.

Sabi naman ni Sen. Bong, okay naman ang kalagayan ngayon ng Daddy nila. Pero siyempre hindi naman maitatangging matindi ang mga pinagdaanan niya nitong mga nakaraang buwan.

Ayaw na lang nilang pag-usapan pa dahil lalong nalulungkot ang Daddy nila. Kaya iniiwasan na nila itong pag-usapan. Ang wish lang nila siyempre, mabigyan ng hustisya ang pagkamatay kay Ramgen dahil hanggang ngayon ay magulo pa rin ang takbo ng kuwento at nasasangkot pa rin ang mga kapatid nito.

Kahit nga si Bong ay ayaw pa rin niya itong pag-usapan para hindi na lumaki pa ang isyu.

Mabuti nga at walang impeachment trial ngayon kaya nakapagpapahinga pa si Bong at naaasikaso naman niya ang ibang commitments sa showbiz.

Nu’ng nakaraang Martes lang ay muling pumirma ito ng kontrata sa AMA University.

Bale pangalawang taon na niya ito bilang endorser ng AMA at sabi nga ng presidente nilang si Dr. Amable Aguiluz IX, sana tuluy-tuloy na raw ang pagiging endorser ni Bong sa kanila.

May bago pa pala silang endorser na si Vhong Navarro para naman sa kanilang St. Agustine School of Nursing.

Mga Mata ni Lolita
by Lolit Solis

loading...

5 thoughts on “Grace Lee, ayaw nang pag-usapan si P-Noy?!

  1. ang dapat gawin ng ambisyosang koreanang toh, gawin nya at hindi puro painterview! napaghahalata ka kasing uhaw sa spotlight tuwing nagpapainterview ka! maswerte ka at napansin ka ng amoy lupang si pnoy kaya act like a real first lady na kahit di pa kayo kasal! be in a low profile, wag painterview! malapit na kitang matawag na starlet pag lagi ka ring nagpapainterview at tungkol pa kay pnoy!

  2. kung nagkatuloyan itong c koreana at c abnooy magiging anak nila boduy may cra sa ulo na nga tong DOM NI KOREANA EH

Leave a Reply

Your email address will not be published.