Gov’t Officials, dapat matuto sa nangyari kay Robredo

MALAKING LEKSYON ang dapat matutunan ng lahat ng government officials sa nangyaring trahedya sa grupo ni DILG Sec. Jesse Robredo.

Ito ang naging pahayag ni Senate President Juan Ponce Enrile, matapos mabalitaang dati nang nagkaroon ng aberya ang eroplanong sinakyan ng nasabing kalihim bago pa man ito bumagsak.

Maaalala na ang mambabatas ay nanilbihan bilang Defense minister noong panahon ni dating pangulong Ferdinand Marcos.

Dapat maging higit na sensitibo ang mga opisyal ng bansa kapag nagkakaroon ng biyahe at alamin ng mga ito ang tunay na kundisyon ng eroplano o anumang uri ng sasakyang gagamitin, ani Enrile.

Gayunman, umaasa pa rin aniya sila sa milagro para kay Robredo at sana ay makaligtas pa rin ito sa kabila ng patuloy na pagliit ng tiyansa na makaligtas ito sa aksidente habang patuloy na tumatagal ang oras ng rescue operation.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

Tags: ,
Balita

About the Author

has written 12690 stories on this site.

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.