Gov’t officials, bawal mag-endorso sa brgy. polls

MAHIGPIT ANG naging paalala ng Commission on Elections (Comelec) sa mga lokal na opisyal na nag-endorso sa mga kandidato para sa barangay elections sa Oktubre 28.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes na mahigpit na ipinagbabawal sa ilalim ng Section 38 ng Omnibus Election Code na sinasabing non-partisan dapat ang eleksyon.

Ayon kay Brillantes, ang sinumang alkalde o halal na opisyal na mag-endorso ng isang kandidato ay maaring makulong kung mapatunayan.

Posible ring maharap sa parusang pagkakakulong mula isang taon hanggang anim na taon o pagkadiskwalipika sa posisyon ang mga lalabag sa naturang batas.

Umaabot naman sa mahigit sa 800,000 na mga kandidato ang ta-takbo para sa nalalapit na barangay elections.

Inihayag ni Comelec Commissioner Grace Padaca na kabuuang 94,124 na indibidwal ang naghain ng kanilang certificates of candidacy (CoC) na tumatakbo bilang barangay chairman habang 715,012 naman ang tumatakbo bilang mga barangay kagawad.

Sa kabuuan, umaabot aniya sa 809,136 CoC’s ang kanilang natanggap simula Oktubre 11 hanggang 17.

Sinabi ni Padaca na hindi pa kasama sa nasabing bilang ang mga kandidatong naghain ng kanilang CoC mula sa Zamboanga City at Bohol.

Nabatid na una nang itinakda ng Comelec ang special election sa nabanggit na mga lalawigan sa Nobymebre 25.

Samantala, bilang pagpapaalala, hanggang sa araw ng Sabado lamang o Oktubre 26 lamang ang campaign period.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.