Gov’t Officials Atbp, Naghain ng Exemption sa Election Gun Ban

NAGHAIN NG petisyon para ma-exempt sa ipatutupad na election gun ban ang ilang matataas na opisyal ng pamahalaan gayundin ang ilang personalidad.

Kabilang dito sina Peace Adviser Teresita Deles, Sen. Lito Lapid, Rep. Salvio Fortuno, Pangalian Balindong, Seth Frederick Jalosjos, Harlin Cast Abayon, Public Attorney’s Office Chief Persida Acosta at dating Secretary Michael Defensor.

Isang Lucio Co rin ang naghain ng kanyang petisyon bagama’t hindi naman malinaw kung ito ang kilalang negosyante.

Lumalabas sa record ng Commission on Election, Disyembre 26 pa lang ay may naghain na ng kani-lang petisyon at hanggang nitong Enero 7, nakatanggap na ang Committee on the Ban on Firearms and Security Personnel ng 120 aplikasyon.

Samantala, sa kaparehong tala, lumalabas na nagsumite ang Armed Forces of the Philippines (AFP) ng aplikasyon para sa Presidential Security Group, government arsenal, AFP headquarters at 1st AFP affiliated medical center.

Gaya ng inaasahan, nagsumite rin ng aplikasyon ang iba’t ibang law enforcement agencies gaya ng Philippine National Police (PNP), Rizal Provincial Jail, Anti-illegal Gambling, Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP), National Intelligence Coordinating Agency, DOJ Witness Protection Program, Department of National Defense (DND) at iba pa.

Sinabi ni Comelec Chairman Sixto Brillantes, na nirerebisa na nila ang ilang probisyon sa gun ban para linawin ang mga bahaging nagdudulot ng kalituhan.

(PARAZZI REPORTORIAL TEAM)

loading...

Leave a Reply

Your email address will not be published.